Chapter 7

55 7 0
                                    

Ilang segundo din akong nakatayo sa harap ng pintuan bago nagkalakas ng loob kumatok.

"D-Dad.." tawag ko.

Ilang segundo ay wala pa ding sagot kaya nagkusa na akong pumasok.

Nakita ko siyang may binabasa.


Hindi man lang siya nag-aksaya ng oras na tignan ako.



Naglakad ako palapit.

"Mabuti at naisipan mo pang bumalik. Alam mo naman siguro na mahahanap at mahahanap kita kahit hindi ka nagkusang bumalik," anito habang nakatutok pa din sa binabasa niya.

Tinanggal nito ang reading glass na suot at humarap sa akin.

Pinagsalikop niya ang dalawang kamay.

Now...I'm facing the Governor of this city. The man who have authority that is written all over his aura.

He's not my dad whom I'm talking right now.


"So, tell me Anne Margarette, where did you hide?" Tanong nito.


Hindi ako sumagot.


"Sasagot ka o matutulad ka sa ate mong si Divine?" Mabilis akong lumuhod sa harap niya.

"S-Sorry dad. Hindi na po mauulit. Pangako, babawi ako sa inyo. Ipapangako ko na kung pag-aaralin niyo ulit ako ay gagraduate akong Valedictorian. Kapag naging Valedictorian ako ay makakatulong iyon sa politika niyo. Kaya dad," yumuko pa ako. Halos halikan ko na ang sahig.

Pikit mata ko itong gagawin para sa future ko.

"Give me this one last chance...please," pagmamaka-awa ko.

Matagal na hindi sumagot si dad.

"You are almost 2 months late sa klase sa tingin mo ba ay mauuto mo akong magiging Valedictorian ka?" Tanong nito.


Humarap ako sa kanya.

"Just trust me this time, dad. I can do it," matapang kong ani.

Hindi ako sigurado kung makakaya ko nga ang sinasabi ko pero wala na akong choice.

Tinitigan ako ni dad.


"Kapag hindi mo nagawa iyan ay matutulad ka sa nangyari sa ate mo at sisiguraduhin kong mas malala pa ang sasapitin mo...."









Kinabukasan ay sinamahan kaagad ako ni ate Antonette sa pamimili ng school supplies ko.

"Mukha ka talagang rebelde sa kulay ng buhok mo," puna ni ate habang nag-iikot kami sa isang school supplies store.

Nginitian ko lang siya.

"Kagabi nga ay napansin kong may nagbago sayo. Iniisip ko kung tumaba ka ba o pumayat? Hmmm, medyo nagmatured ka pero naisip ko din na baka yung buhok mo yung dahilan kung bakit pakiramdam ko may nagbago sayo.." pagpapatuloy nito.

Napangiti ako. Gumana nga ang plano ko.

People will really notice yung pagbabago ng katawan ko so might as well na maglagay ako ng talagang bago sa sarili ko para matuon doon ang atensyon nila.

Pagkatapos mamili ay dumiretso na ako sa school.

4th year na ako at kami nalang dalawa ni Claire ang naiwan sa school na ito.

Sabay-sabay kasing grumaduate sila ate Analyn at Anita.

Si ate Divine ang panganay. Sumunod naman ay ang kambal na si ate Donalyn at Desiree tapos triplets sila ate Anita, Analyn at ate Antonette. Ang buong akala nila ay hindi na manganganak ulit si mommy dahil sa manipis na ang kanyang matres but after ilang months ay nabuntis na naman siya sa akin. Excited si daddy noon dahil gustong-gusto niya talagang magkaanak ng lalaki but here I am. Isang babae.

Me and My Boyfriend's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon