Chapter 2

109 4 4
                                    

"S-Sino ka? I-Ikaw ba yung sinasabi nilang nagpakamatay sa third floor?" tanong ko.

Seryoso siyang tumingin sa akin.


Lalo akong natakot. Kahit ubod ng gwapo siyang multo ay multo pa din siya!


Umupo siya para maging magkalevel kami. Lalo ko tuloy napagmasdan ang mukha niya.

Ang kinis.

Yung labi niya, napakanipis.

Ang tangos ng ilong.

Yung tingin niya parang nakakalunod.



"Ako nga," sagot nito.


Nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko at nagtayuan ang mga balahibo ko.


"B-Bakit ka n-nagpapakita sa akin? A-Anong kailangan mo?" Utal-utal kong tanong habang umaatras.

Umusog din siya palapit sa akin.

"I need help..." sagot niya.

Natigilan ako dahil sa biglang paglungkot ng mga mata niya.

Lumunok ako.

"A-Anong tulong?" lakas loob kong tanong.

"I want to see my body," sagot niya.

"H-Huh?" takang tanong ko.

Bumungtong-hininga ito tsaka tumingala.

"Tulungan mo ako para mahanap ang katawan ko. Matatahimik lang ang kaluluwa ko kapag nahanap at nailibing na siya ng maayos," paliwanag niya.


"Parang napanood ko na iyan sa movie ah," sagot ko.

Hindi siya sumagot.

Bigla niyang hinila ang kamay ko patayo.

Tumili ulit ako habang nakatingin sa kamay namin.

Hinawakan ako ng multo!

"Stop it or I will drag you to hell," pananakot niya kaya mabilis kong tinakpan ang bibig ko ng isa ko pang kamay.


Hinila niya ako kung saan. Hahanapin na ba namin ang katawan niya? Paano kung agnas na ito?


"Teka," pigil ko tsaka huminto.

Tumingin siya sa akin.

"Hindi ba ang sabi mo ay ikaw yung estudyanteng nagpakamatay dati? Eh nalibing naman siya ng maayos. Bakit kailangan pa nating hanapin ang katawan mo?" tanong ko.

Kumamot ito ng ulo.

"Hay! Ang dami mong tanong tara na," hinila na naman niya ako.

Dumiretso kami sa cafeteria.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.


"Ano bang ginagawa sa cafeteria?" balik-tanong niya. Ang sungit naman ng multong ito. Napanguso tuloy ako.

Umupo siya.

"Ibili mo ako ng salad at juice," utos nito.

"Huh? Kumakain ba ang multo?" Takang tanong ko.

Kita ko na ang pagkairita niya pero kumakain ba sila?

"Napagod at nagutom ako sa paghahanap ng katawan ko kaya ibili mo na ako. Bilis na," bahagya niya pa akong tinulak.

Me and My Boyfriend's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon