Chapter 10

55 5 3
                                    



Sa tabi niya ay ang tulog na tulog na si baby Azrael.





"Posible pala iyon no?" Tanong ko habang nakatitig kay baby.

"Yung?" Ani ni Alzaine.


"Yung pakiramdam na hindi ka magsasawang titigan ang isang tao. Kasi ngayon, pakiramdam ko na kahit maghapon ko siyang titigan ay kulang pa din. Yung kahit kasama ko na siya ngayon at natititigan ay namimiss ko siya.." saad ko.

Bahagya akong tumawa.

"Nababaliw na ata ako.." dagdag ko.


Naramdaman ko ang pagyakap ni Alzaine mula sa likod ko.


"Alam mo na ang pakiramdam ko kapag nakatingin ako sayo.." aniya.

Natigil ako sa pagtitig kay baby.

Dahan-dahan akong pumihit paharap kay Alzaine.

Marami na ang nagbago sa kanya. Mas lalo siyang gumwapo. Mas lalong lumakas ang dating niya.

Pero yung pakiramdam ko hindi pa din nagbabago. Crush ko pa din ata siya.

Hindi kaila sa akin sa tuwing nasa paligid ko siya ay madali siyang nakakakuha ng atensyon mula sa mga babae.

Ngumiti siya kaya napangiti din ako.

"You really did great kanina," aniya.

"Thank you.." sagot ko.

"Crush na nga ata kita eh." Biro niya.

Mahina ko siyang hinampas.

"Sira," ani ko.

Sandali kaming natahimik.

Yumakap ako sa kanya.

I really miss his warmth.

Yung tigas ng mga braso niya.

Yung amoy niya.

"Last mo na to ah. Huwag ka nang sumali sa ibang pageant," aniya.

Nagtaka ako.

"Why?" Tanong ko.

Nakita ko ang pagkibot ng labi niya.

Bahagyang nawala ako sa focus.


"Nakakatakot kasi. Masyado kang maganda para ipakita sa maraming tao.." sagot niya.

Mabilis na kumabog yung dibdib ko.

Hindi ko alam kung anong isasagot.

Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Tumingala ako sa kanya.

Pinunasan niya ang pisngi ko.

"Bakit ka umiiyak? Nanalo ka nga eh." Aniya.

Mahina akong tumawa.

"Oh baka naman umiiyak ka kasi ayaw na kitang pasalihin?" Inosente niyang tanong.

Hinaplos ko siya sa pisngi.

"Hindi na ako sasali. Your eyes are enough.." sagot ko.

Inubos namin ang natitirang oras sa pagkwekwentuhan.

Nung magliliwanag na ay hinatid ko na sila sa labas.

Pumabor din sa akin ang hindi paglalagay ni daddy ng CCTV sa mansyon sa kadahilanang may mga tao siyang kinikita na hindi dapat malaman ng mga kalaban niya sa politika.

Me and My Boyfriend's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon