Dumaan ang isang linggo at nagkaroon ng photoshoot ang mga kasali sa pageant.
Ako ang pinaka matanda sa kanila pero humahabol pa din yung height nila sa akin.
"Dito ka lang ah. Padating na ang make-up artist mo.." sabi ni ma'am Dela Merced.
Busy din ang ibang teacher sa mga panlalaban nila.
Sabi ni ma'am Tiago. It is Freshmen versus Sophomore versus juniors versus seniors kaya sobrang higpit ng laban.
Kahapon ko lang din nalaman kung bakit gustong gusto nila manalo.
May trip to Europe kasi for teachers ng level na mananalo.
Tinignan ko yung mga body guard na pinadala ni daddy.
Wala na kasi itong tiwala sa akin. Baka daw lumayas na naman ako bigla.
Pagdating nung make-up artist ay naging busy na ako kaya hindi ko na nareplyan si Alzaine.
Linggo ngayon at siya ang nagbabantay kay baby.
Nandito kami sa school. Tahimik ang buong lugar dahil walang mga estudyante.
"Ano pa bang dapat gawin sa mukha mo eh ang ganda mo na day!" Tili nung make-up artist ko. Pinagtinginan tuloy kami.
Kita ko ang pag-ismid ng ibang teachers.
Tatlong set ang photoshoot. Una ay sports wear. Pangalawa ay Enchanting. Yung nakagown at nasa garden ang location. Ang pangatlo ay kung ano yung gusto naming mga candidates.
Kami daw ang mamimili ng costume or outfit na magrerepresent sa amin bilang candidates.
Light make-up lang muna ang ina-apply sa akin for sports wear.
"Bilisan niyo, andyan na ang mga photographer.." ani nung organizer.
Iniabot na sa akin yung costume ko.
Isa akong archer.
"Ang swerte mo day yan ang nabunot niyo. Pak na pak ka dyan. Magpapasabog ka talaga." Ani nung make-up artist ko habang naglalakad kami papunta sa CR. Naghintay ito sa labas.
Tinignan ako nung ibang kasali pagpasok ko.
Napansin kong nagyukuan sila nung dumaan ako sa harap nila.
Paglabas ko ay nag-uumpisa na ang first year representatives.
"Anne Margarette! Tara.." tawag ni ma'am.
Lumapit ako dito.
"Ito pala si Timothy. Ang makakapartner mo." Pakilala niya.
Tumango lang ako sa lalaki. Hindi ko siya kilala.
Nakabihis na din siya ng costume.
"Andyan na pala yung photographer niyo. Tara," sabi ni ma'am. Sumunod kaming dalawa ni Timothy.
Kahit malayo ay kita ko ang bulto ni Alzaine.
Naka-suot ulit ito ng itim na face mask at cap. Sa gilid niya ay isang stroller.
"Good morning po, ma'am. Pasensya na po, ito nga po pala ang pinsan ko. Assistant ko po siya pero walang magbabantay ng baby niya kaya sinama na namin," paliwanag nung photographer.
"Okay lang. Wala namang klase ngayon at ang cute cute ng anak niya." Lumapit si ma'am kay baby Azrael.
Nagtataka kong tinignan si Alzaine. Kinindatan niya lang ako.