Ikaw

45 0 0
                                    

a spoken word poetry
04/30/17










Kay saya ng mga araw
Nang makilala ko ang isang ikaw

Ikaw na naglalagay ng mga ngiti sa labi ko
Nagpapaligaya at bumubuhay sa mga araw ko
Nagbigay kulay sa masalimuot kong mundo at syang nagturo
Na ang sirang puso,ay maaari pa ulit mabuo

Ikaw na nagsisilbing tinta para maisulat ko ang mga tulang ito
Ikaw na pumapawi ng luha sa bawat pag iyak ko
Ikaw na laman ng isip sa bawat pag tulog at pag gising ko
Ikaw na syang tinitibok at hinahanap hanap nitong puso ko

Mahal,ang pag dating mo sa aking buhay ay isang malaking tandang pananong
Ang puso ko'y laging nagtatanong
"Ito kaya ay magtatagal?"
"Tunay nya kaya akong mahal?"

Puso ay natatakot na muling masaktan
Natatakot na muling maramdaman ang paiit ng nakaraan
Natatakot na muling maiwang sugatan at luhaan
Mahal,sana ako'y iyong pagkaingatan

Gagawin kong langit ang iyong mundo
Siguraduhin mo lamang na sa puso mo ako'y selyado
Mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal nila sayo
Sasamahan at susuportahan kita kapag walang nandyan para sayo

Oo mahal,ito'y aking pinapangako
Sa puso ko ikaw ay bilanggo
Sa pagmamahal ko ikaw ay hindi mabibigo
Ikaw,oo ikaw na syang mahal na mahal ng taong nagsulat nito

Hindi ko alam kung saan tayo dadalhin nitong tadhanang sobrang mapaglaro
Ngunit muli,aking ipinapangako
Hangga't may ikaw at ako,hanggang may tayo
Ibibigay at iaalay ko ang buong pagmamahal ko sayo

Salamat sa iyo
Salamat sa pagmamahal mo
Salamat at may "ikaw" sa buhay ko
Salamat,mahal ko.

-smsb.

s' diaryWhere stories live. Discover now