a spoken word poetry
by Mabel AtienzaSampung dahilan kung bakit ikaw
Una, tinuruan mo akong tumingala sa mga bituin, sinabi mong tutuparin nila lahat ng aking hilingin, kaya hiniling kong ika'y maging akin.
Pangalawa, nais ko na noong magsawa, sinabi kong di na muli akong magtitiwala, ngunit ng dumating ka, napako lahat sila, natuto akong mangako ulit, sabi ko baka ang puso ko lang yung makulit, pero tumibok itong muli para sayo.
Pangatlo, ayaw ko ng matapos to, lahat na ng ginagawa ko para sayo, tawagin man nila kong bobo alam kong pagdating sayo matalino ako.
Pang apat, tsaka lang naging sapat lahat, pag natuto kang magpatawad at bitawan ang mga bagay na lungkot ang bumuhat, ng makita kita lahat ng bagay nagiba, kaya ko pa pala.
Pang lima, isa isahin ko man sayo, lahat ng letra at numero, iisa lang ang masasabi ko, sayo lang ako naging masaya ng ganito.
Pang anim, ng dumating ka sakin gumanda ang simoy ng hangin, nagkadahilan akong muli para puso koy gisingin.
Pang pito, nandito ako lagi para sayo, di kita iiwan para sa iba, sisiguraduhin kong di kana masasaktan pa.
Pang walo, sinagot mo ako ng oo, umabot ng tatlong buwan para maamin ko lahat sayo, at ngayon sigurado na ko.
Pang siyam, alam kong maraming pang dadaan, pero haharangan ko sila sa daraanan mo, dahil ikaw lang ang gusto ko sa loob ng mundo ko.
Pang sampu, dumapo na ang paru paro ngunit nandito parin ako, hihintayin kong lumipad siyang muli, papunta sayo, dahil kulang ang sampung tula para sayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/105490899-288-k25671.jpg)