Lozen's
Day 2 na.
Nag sisimula na mag pakilala mga teachers per subject. At heto si ako, daming gagawin. Kesho aayusin pa namin yung bago student council room,lilinisin namin yung mga naka tenga na room dati para magamit. Magtatapon, hayst. Kastress pala maging president. Nahihilo ako sa sobrang pagod. Bukod sa pagiging president, janitress narin ako. Pero tinutulungan naman nila ako. Specially Mich. She's the vice president.
Napagtripan lang naman talaga namin sumali, di naman ineexpect na mananalo kami.
or ako lang? lol. Expected yung kay Mich. She's pretty, smart, petite, rich. Nakasakanya na lahat. Maraming 'BOYS' ang nag sasabi, (yep boys) na sana siya nalang tumakbong president at hindi ako. Hearthrob tong si mich e. She's my very first friend here at S.A. bagong salta kasi ako dito noon, napaka mahiyain ko, so wala akong makausap, then lumapit siya, and yes, naging close kami. And one thing, don't wait her to be mad a you, you will die. Talagang masusungitan at mabubugbog ka niya.
"Hoi Cazz Lozen Enriquez! Nag de-daydream ka nanaman? sapakin kita jan, kilos na ng matapos na tayo dito, samahan mo ko mag shopping" pusa talaga to oh. Every week ko siya sinasamahan mag shopping. Napa ka RK kasi.
ah Scholar pala ako dito btw. I got the highest score sa entrance exam hehe.
"Aish, oo na. ano nanaman bibilhin mo?" tanong ko habang nag nagpupunas ng bintana. Ang tagal niyang sumagot. Hihintay ko. So tinignan ko na siya.
Sa way ng tingin niya, nandun si Vanz. The reject king. Mukhang may nag coconfess nanaman sakanya. And as usual, umiyak yung girl, dahil nanaman ata sa rejection.
"Hoi Michi Bitch, malusaw yan si Vanz sayo sige ka." pangaasar ko. May gusto kasi siya kay Vanz e. Nag pout lang siya. Tas tumingin uli sa way ni Vanz, ganun rin ako, nagulat ako ng ngumisi sakin si Vanz. Like WTH, ANO YUN. NAMUMULA NA ATA MUKHA KO. KAHIT NA ASTANG SIGA AKO, MAY PUSONG MAMON PARIN AKO NOH, GWAPO SO VANZ.NAKAKAATTRACT. pero di sa malandi, ayoko ma fall sa smiles. Masyadong paasa, tangina.
"Bes, nginitian ka niya" malumanay na sabi ni Mich. Sht. Selosa talaga to. Pero nagulat ako ng biglang..
"SHETTT, NGINISIAN KA NIYA, GOOD SIGN YAN HOMAGA!" sabi niya with sparkling eyes. Teka ano daw? good sign? nu yun? sapakan kami ano?
"Okay ka lang? good sign?" tanong ko, naguluhan ako.
"Baka may gusto sayo yun!! nginitian ka niya! and guess what, nakita kitang nag blush!" HA?! AKO NAG BLUSH?! WEH?!
"Gago ka ba? yun may gusto sakin? tss. I'm the toughest shit girl here right? pinagtritripan lang ako nun."
iritadong sabi ko."Alam mo, napaka nega mo talaga, simula nun--"
"Wag muna natin pag kwentuhan yan ngayon, mainit, baka mamatay ako" putol ko. Tumango lang siya. Ang init talaga. Para akong nahihilo na ewan.
----
Break time na.Kasama ko si Mich, papunta na kami sa cafeteria. Pero para akong walang ganang kumain.
Nakarating kami sa cafeteria at umupo ako. Nagpabili lang ako ng tubig kay Mich dahil nahihilo ako.
"Here's your water Ca-- omygosh bat ka namumutla?" tanong niya.
"Ha? wala to baka napagod lang ako kanina siguro." explain ko. Pero nahihilo talaga ako, para akong lalagnatin na ewan.
"Sure ka? baka kelangan mo na pumuntang clinic. You look pale and wasted." Such a lovely bestfriend.
"I'm fine. Dalian mo na kumain jan, dami pa nating itatapon mamaya e" tas ayun dinalian na nga niya. Ugh.
---
dito na kami sa third room ng paglilinis.
"Cazz, baba ko lang to a, mukha kelangan pa to e." paalam ni mich. Tumango lang ako.
"Magpahinga ka na muna. Pag balik ko tsaka ka uli mag linis." tumango lang din ako. Ang bigat talaga ng ulo ko. Gusto ko ng tubig.
Tumayo ako para kunin yung tubig sa may tabi ng locker sa labas. Bat ko ba kasi di pinasok yun bag ko diba.
Di pako na ngangalahati sa tapak, feel ko tutumba nako. I cant see a thing. Everything is black. Hanggang sa na out of balance nako at mawalan ng malay. But.. I can smell perfume..
----
Aloha, mabagal pa si escalator, kaya makakatapak pa kayo, hahahah! vieww plez >__<
YOU ARE READING
Change is Coming
RomanceBet, People change for a reason. Maraming nag aakalang tibo ako, but the truth is, Im a girl with boyish look and attitude. Matangkad, morena, siga, mabalbon, at higit sa lahat, malakas. I hate it, pag sinasabi nilang mukha akong lalaki. Natatamem...