13

19 6 2
                                    


Vanz's pov

I'm about to wipe her tears but..

"Here, wipe it out. I know mag tutuloy tuloy yan pag di mo pinunasan kagad" sabi ni Zerex at binigyan siya nito ng panyo.

Kilalang kilala niya kaya si Calo?..

"Uhm.. I think we should go. Pagabi narin." yeah it's 6:03pm now.

"Samahan kita pauwi Mich" nag salita na si Calo. With a weak voice.

She's hurt. I know. I really know.

"Wag na Calo, okay lang, susunduin ako ni Daddy mamaya sa may parking lot. Okay lang" and Mich gave a sweet smile.

Tumango nalang si Calo. At nag besohan na sila ni Mich at parang mag binulong sakanya si Mich na di ko narinig.

MALAMANG VANZ BINULONG NGA DIBA. TINO NGA.

Nakita kong tumango si Calo at ngumiti.

"Mag pahatid ka nalang sa isa sa kanila Calo."

"Ako na."

Sabay naming sagot ni Zerex. Nagkatitigan kami. At parang gusto sapakin ang isa't isa.

"Wag na. Malapit lang naman na bahay ko. Atsaka Zerex, nabanggit mo kanina nung nasa arcade tayo, 6:30 kelangan na sa bahay ka na kaya umuwi ka na. Ikaw rin Vanz. kaya ko naman na."ngumiti nanaman siya. Isang pekeng ngiti.

No. Hindi mo kaya.

"But Ze--"

"Go home." putol ni  calo kay zerex. She gave us strong glare. Na talagang nakakaapekto sa kalooban at konsensya. Tumango si Zerex pero ako hindi.

Nakita kong hinatid ni Calo si Mich sa may escalator.

Hinabol ko siya ng tingin at nakita kong papalabas na si Calo sa kabilang exit ng mall.

Pagkalingon ko, wala narin sa likod ko si Zerex. Nasa harapan kasi ng mall nakapark ang sasakyan namin.

Nag pasya ako na...

Susundin ko ang sinasabi ng isip ko.

---

Lozen's POV

"alam kong, ayaw mo ipagsabi sa iba dahil naalala mo yung mga naramdaman mo noon. Alam ko. Palipasin mo yan bago dumating ang bukas. Hindi kita matetext ko makakausap mamaya through phone dahil aalis kami bukas nila dad papuntang Europe for out business kaya, palipasin mo na yan, ayokong umalis ako saglit na nahihirapan ka, kelangan pagbalik ko after 1 week, masaya ka okay?"

Sabi sakin ni Mich nung nagbesohan na kami. She's really my friend. My girl bestfriend.

Hinatid ko siya sa escalator.Dahil nasa GF yung parking lot. Pero sinabihan nya akong wag ng sumunod hanggang baba kaya hanggang escalator nalang.

Hindi ko na nilingon yung dalawang lalaki at baka maging senyales pa yun ng pagiinit ng dugo nila. Ewan ko ba sa dalawang yun. Di mag kasundo.

Lumabas nako sa kabilang side ng mall dahil dun narin naman daan ko pauwi.

Ilang streets lang naman.

Habang nag lalakad ako, iniisip ko nanaman yung mga kwinento ko, mga nangyare ngayon at kagabi, at kung ano ano pa nung nakaraan.

masakit.

Masakit mapagtripan at mabully ng taong pinagkatiwalaan mo. Di konaman siya minahal ng sobra, pero masakit dahil binasag niya ang tiwala ko.

---

Nag pasya akong dumaan sa shortcut dahil masakit narin ang paa ko. Maliwanag panaman.

second time kong dumaan dito, pero matao naman at maliwanag.

Pero bat ngayon...

Liblib..

Aish, kaya yan.

Naglakad ako ng tahimik.

Pero,,

May onting kabang nararamdaman.

Parang may hindi tama.

Hanggang sa...

"shh miss, wag kang maingay, kukunin ko lang tong mga gamit mo. Gamit lang. Pero kung papalag ka, baka patulan kita, sexy ka panaman"

Tinakpan ng malaking lalaki yung bibig ko, di ako makapalag. Nag aral ako dati ng martial arts pero hindi parin ako makapalag dahil malaking tao siya.

Jusko po! Tulong!!

Hindi ako makapalag. Inipit niya rin ang mga legs ko sa paa niya para hindi ko maigalaw. Ang higpit.

May patalim rin siyang hawak na nakatutok sa leeg ko.

Natatakot nakooo.. Tulongg.. ayoko pa. Ayoko pa mamatay.

----

"Kuya, pwede mag tanong?" may tao?

"Sa iba ka na mag tanong boy. Busy ako makipag usap sa babae ko." GUSTO KO SUMUKA. PERO KUYA PLEASE WAG KANG AALIS. TULUNGAN MO KO.

"Ay, sorry po. Sige po, tuloy niyo lang ginagawa niyo" Sabi nung kuyang nagtanong. Takte tulungan niyo po ako.

Pero may naisip ako..

Inuntog ko ang ulo ko sa mukha niya na sanhi ng pagkahilo niya. Nabitawan niya ako. at ako'y natumba.

Nanghihina ako, di ako makatakbo.

Bakit ba nangyayare sakin ang lahat ng masasamang bagay..

"ABA TANG*NA MONG BATA KA" Akmang sasaksakin niya ako.

Diyos ko, kayo napo ang bahala sakin at sa mamang ito. Pero sana po, matulungan niyo ako. Di ko pa kayang iwan si Mama magisa. Para niyo napong awa.

-----
Itutuloy

Author: Tara update. Kahit wala ng nag babasa ( ̄▽ ̄) i'll just keep ny swaeg.

Change is ComingWhere stories live. Discover now