9

21 9 2
                                    

Author: ^si bebe Zerex ang nasa piccc!! hehez

Shoutout daw, e mas sikat naman sakin hahaha! Follow WhiteCrab: Greatfriend. Read his story na full of mystery. Ayan kahit sikat ka na. Wag ka makalimot wahahaha!!

Enjoy Reading!!

Lozen's POV

5am na ng umaga pag gising ko. Okay nako. Kaya ko na pumasok. Ayoko rin naman umabsent.

Pag-baba ko sa kusina, nakita ko si mama gumagawa ng chocolate drink.

"Ma? Goodmorning.papasok ako a. Pwede painit tubig pang paligo?" wala kaming heater wag kayong ano. Hehe

"Gising ka napala. Oo alam ko namang di ka umaabsent. Halika dine, uminom ka nitong mainit na chokolate"

Inabot sakin ni mama yung hot chocolate. Magaling si mama gumawa ng mga inumin. Tulad ng kape, frappe, chocolate pati narin mga frui juices. Nag trabaho kasi siya dati sa isang sikat na Café.

"Siya nga pala anak. Sino ulit yung gwapong bata na naghatid sayo kagabi?"

gwapo?

*inalala ang mga nangyare*

OO NGA PALA! Nawalan ako ng malay kagabi dahil sa lagnat ko!

"Ah ano ma si-- si Vanz po" Nauutal kong sabi. Baka kung anong isipin ni mama neto!

"Ano ma kasi ganto yun, kahapon pumunta akong convi---"

"Alam ko na anak, kwinento na niya. Magaan ang loob ko sa batang yun. Bitbit ka niya kagabi, ung parang bagong sakal--" huh?

"Este kasal. Tas eto, nilabhan at plinantsa ko na yung jacket na pinasuot niya sayo. Pero nawalan ka na ata ng malay kaya't di mo maalala"

Ginawa ni Vanz yun? akala ko papabayaan niya lang ako sa store. Pero hindi..

Unti unting nawawala inis ko sakanya.

Biglang may inabot si mama.

"Pag balik mo sa kanya ng jacket mo, Ibigay mo rin sakanya tong hot choco. Bilang pasasalamat mo at ko narin" Nakangiting sabi ni mama. Tumango naman ako.

Pinagmamalaki ko ang mga inumin na ginagawa ni mama noh. Mabuti narin yun baka mag ka business pa kami.

----
at school.

After ng opening ceremony

Tinawag ko si Vanz at sinabi kong pumunta siyang gym. Nagaayos kasi silang mga lalaki ng upuan para sa orientation ulit mamaya.

Hinintay ko siya. At chineck if walang tao. Mahirap na, ma malisya pa.

Dumating siya. Shete. Ocho. Nuebe (ayoko na di ko na alam spelling)

"ah eh.. ano Galvez..." bat ako nahiya?.

SYEMPRE MAY UTANG NA LOOB KA SAKANYA DUH.

"Eto na yu-yung.. Jacket mo. Salamat ah? eto rin may chocolate drink akong dala para s---sayo." sabi ko. Bakit para akong isang babae na mag coconfess at nagbibigay ng chocolate sa taong gusto niya sa valentines.

"Gawa mo?" sawakas nag tanong narin siya.

"mmm nope. Si mama. Pasasalamat namin sayo. So ayun. Thank..You ng sobra kagabi." Nakayuko kong sabi. Kelan pako naging mahiyain.

"Enriquez.." sabi niya

"Bakit??!!" napasigaw ko. Shit na malupit.

"may utang ka pa sakin." Utang? alam kong di kami mayaman pero never ako nangutang? Kay Mich oo pag nakakalimutan ko pera ko.

"Weh? magkano? kelan yun?" tanong ko. Kasi wala talaga.

"Hay nako. Di lang naman isang beses na nag collapse ka ah. Nung naglilinis ka ng room. Diba pag gising mo nasa clinic ka na? ako nag dala sayo nun." Siya?! AKALA KO SI ZEREX?! SHEMS?

"Haa?? ikaw?! akala ko si zer--"

"Hi zen-- oh? Galvez? bat nandito ka?" speaking of nga naman oh. Napatingin siya sa hawak ni Vanz

"Wait teka, binigay mo to zenzen? i mean etong choco drink ni tita?" sabi na e sabi na.

"Oo bilang bawi ko. Pag ka alis mo kasi kagabi, pumunta akong store hinimatay ako."

Vanz's POV

"Oo bilang bawi ko. Pag ka alis mo kasi kagabi, pumunta akong store hinimatay ako."

Hindi niya kwinento yung about kay stephen. Posible kayang ako palang nakakaalam ng nangyare kagabi at nung dati?

"bat di mo ko tinawagan?"

shunga pala to. HINIMATAY NGA SIYA DIBA. PANO KA NIYA TATAWAGAN.

Nagkwentuhan na sila. Hello, nandito pako.

"Eh bat ako wala niyan? Daya naman ni tita casey. walang pabaon sakin" Tita? close sila? weh? pssh okay lang.

"Pinainom ka na niya ng coffee na specialty niya kahapon zerex. Alalahanin mo" COFFEE?! sana ako rin. Lol pero masaya nako dito sa choco.

"Anyways, tara kain tayo mamayang uwian. My treat." Nandito pa ko ah.

Tinignan ko si Calo. Yung mukha niya nakakatawa. Alam niyo yung parang 'bright' na may bumbilya sa ulo niya.

"Bright idea. Libre ko kayo mamaya. sagarin ko allowance ko ngayon lang naman. Bayad utang na loob ko narin ano deal?"

Tumingin sakin si zerex bayun? HAHAHA! denied siya!

"No di pwede ang babae magtreat sa lalaki." Wow.

"So libre mo rin ako?" tanong ko with pangaasar

"Pay for yourself." tas nag titigan kami.

"HAHAHAHAHA! WAIT HAHAHAHAH-- ok ok"

Tumawa si Calo. And

she's damn cute when laughing.

Huwat ?! Vanz Galvez anong nangyayari sayo?

Zerex's POV

tumawa si Zenzen. Namiss ko yun. Yung cute laugh niya. Still playful laugh na parang bata.

"okay...Haha!HAHA!!-- sige, let's pay for ourselves. pero, lilibre ko kayo isa lang. Kahit drink or ano.."

okay na sakin tawa mo.

"Sasama ko rin si Mich, okay?"

kahit gusto ko siyang solohin, eh kung di niya gusto, go with the flow nalang. If this makes her happy. Im fine with it.

----

End

author:
HIII HAHAHA TAWAG KAYO FRINDSS BASAHIN NIYO ITEYYY HAHAHA MWA~

next chap, pic ni mich ^~^

Change is ComingWhere stories live. Discover now