Chapter 8

21.4K 744 429
                                    



Escape me?

Never—

Beloved!

While I am I, and you are you,

So long as the world contains us both,

Me the loving and you the loth,

While the one eludes, must the other pursue.

My life is a fault at last, I fear—

It seems too much like a fate, indeed!

Though I do my best I shall scarce succeed—

Malakas na binasa ni Rafaela ang unang talata ng isang tula.

It was a Thursday night. Rafaela and I were reading books. Nakaupo kami sa porch ng terrace nila habang magkatalikod at magkalapat ang mga likod. Nagbabasa ako ng Tagalog pocketbook na hiniram ko kay Tita Irish, ang Mama ni Rafaela. Si Rafaela naman ay libro ng mga tula ang binabasa.

"Ano, Anton? Maganda 'di ba?" Kahit nakatalikod ay inabot niya ang ulo ko para guluhin ang buhok ko.

"Oo na," pabale-wala kong sagot.

"It's actually my favourite poem," Rafaela declared. I could tell he was smiling.

I shrugged. Medyo naiinis ako kasi hindi ko maintindihan ang binabasa ko dahil sa kadaldalan niya. Nasa parte na ako kung saan naaalala na ng bidang babae ang kanyang nakaraan habang napaiyak naman sa tuwa ang bidang lalaki.

"Tanungin mo ako kung bakit ko paborito ito. Dali," pamimilit nito habang tinutulak niya ako gamit ang kanyang likod.

I rolled my eyes. "O, bakit?"

Naramdaman ko ang bigla nitong pagharap sa akin na muntik ko nang ikatumba kung hindi ako nito nasalo. Muntik na akong mapasigaw ng malakas dala nang matinding pagkagulat.

Tumalon ito mula sa mataas na upuan ng porch ng terrace nila at humarap sa akin. Napaharap naman ako rito habang nakakunot-noo. Hawak ko pa rin sa magkabilang kamay ko ang pocketbook.

"Aray ko ha. Kamuntik na akong mahulog," naiinis na sabi ko.

Rafaela just chuckled. "Hindi ka naman nahulog, e. Pababayaan ba naman kitang mahulog sa kahit ano'ng lugar? Maliban na lang kung sa akin ka mahuhulog. Wala akong reklamo doon. Baka nga itulak pa kita, e," natatawang sabi nito sabay kindat.

Pinisil ko ang ilong nito. "Bwisit ka!" Ayan na naman siya sa mga kalokohan niya.

"Aray," reklamo ni Rafaela sabay hawak sa ilong na namumula. "Grabe ka. Ang brutal mo talaga lagi," kunwa'y nagtatampo na sabi nito. Pinaikot nito ang kanyang mga kamay sa beywang ko.

"Ang dami mong pasakalye, e. Ano na nga? Sabihin mo na kung bakit mo paborito ang tulang iyon dahil hindi ko matapos-tapos ang binabasa ko dahil sa kadaldalan mong lalaki ka." Binitawan ko muna ang hawak kong pocketbook at nilagay sa tabihan. Pinatong ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat ni Rafaela.

"It's a classic poem by Robert Browning entitled, 'Life in a Love.' It's about someone's unceasingly pursuit of his love. Hindi siya sumusuko kahit ano pa ang maging kapalit ng lahat ng paghihirap niya sa huli." His tone was still playful, but I could sense a bit of seriousness in it.

Hindi ako sumagot, bagkus ay hinayaan ko lang siyang magsalita.

I didn't know how it happened, but he suddenly held my eyes with his penetrating gaze. Ang kaninang pagpigil niya sa pagpapakita ng kaseryosohan ay biglang kumawala. "Hindi ka makakatakas. Hangga't ako ay ako at ikaw ay ikaw, hangga't parehas tayong nabubuhay at hawak ng mundong ginagalawan natin ngayon, ako bilang nagmamahal at ikaw bilang umaayaw, ako ang hahabol kahit patuloy kang tumatakbo. Kasalanan ko, alam ko. Pero para lang itong tadhana," he paused before he continued. "Kahit ano'ng paghihirap ang gawin ko, hindi pa rin ako magtatagumpay," mahina ngunit may diin ang bawat bigkas niya sa mga salita.

The Jerk Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon