Chapter 11

13K 410 115
                                    

It was a normal Sunday morning. It was sunny outside, yet wala akong maramdamang excitement for the day. Madalas ay maaga akong nagigising para makipagkwentuhan kay Rafaela at Riley, maggala kasama ang barkada, o 'di kaya naman ay makipaglaro kay Jax at sa aso nito.

I love weekends. While others would spend the weekend with their family, in my case, I spend it with my friends, just them. I rarely stay in the house because I just don't want to be with my so-called 'father.' Sobrang awkward lang namin, and I just don't feel the need to talk to him or bond with him because it's useless. I cannot force myself to do something I loathe. There's no point. At ganoon din siya sa akin. Glad we're on the same page.

Habang nakahilata lang ako sa kama at nakatulala sa dingding na may dalawang butiki na naghahabulan ay may narinig akong mga yabag palapit sa kwarto ko. Hindi ko na kailangan alamin kung sino ito. Yabag pa lang, kilala ko na.

"Anton! Alas-diyes na. Ano? Buhay baboy lang?" Sigaw ni Rafaela sabay bukas sa pinto. He was smiling widely. Halatang bagong paligo lamang ito at fresh na fresh pa sa suot nitong puting t-shirt at black jogger pants.

Inirapan ko ito at binaon ang mukha ko sa unan. "Get lost." Sa totoo lang, tinatamad pa talaga akong bumangon. Hindi naman na ako inaantok, ayoko lang talagang iwan pa ang kama ko.

"Get lost, get lost. Arte mo ha! Samantalang pag ikaw ang manggigising sa akin at manggugulo sa kwarto ko, halos itapon mo lahat ng gamit ko, pati ako!"

"Tinatamad nga ako. Wala akong ganang gumala." It's true, though. Wala talaga akong kagana-ganang gumawa ng kahit ano. Mahaba naman ang tulog ko, pero pakiramdam ko ay pagod pa rin ako. Pagkatapos ng nangyari kahapon, naubos yata nito ang lahat ng enerhiya sa katawan ko.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Rafaela sa gilid ng kama ko. "Ganyan ka. Kapag ikaw ang nagyayaya, kahit ano'ng ginagawa ko, iniiwan ko para lang samahan ka," bakas ang pagtatampo sa boses ni Rafaela.

"Not now. Not really in the mood."

Pinilit nitong alisin ang unan na nakatakip sa mukha ko. "Tara na kasi. Huwag ka na mag-inarte." Sa wakas ay nagtagumpay itong alisin ang unan sa mukha ko. "Saka wala ka rin naman kasama sa bahay ngayon. Nakasalubong ko si Tito Chris palabas. Pupunta raw siyang San Pablo at mamimili," nakangising sabi ni Rafaela. Naaamoy ko pa ang pabango nito at halos sumakit ang ulo ko sa matapang na amoy.

"Hoy, Rafaela! Ginamit mo na naman ba ang pabango ni Tito Ricky?" I frowned. Napahawak ako sa ilong ko at kulang na lang ay maubo ako sa nasinghot ko.

Mas lalong lumaki ang ngisi nito. "How did you know?"

"Nakamamatay ang amoy bwisit ka. Ang tapang mo maglagay. Nag-amoy alcohol ka." Naupo ako at nag-inat.

"Weh. Inggit ka lang." Ngumuso si Rafaela na halatang na-offend.

"Trying hard ka lang," bulong ko bago sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri.

"Ano? Bangon na? Tara na kasi." Nakasimangot na sabi ni Rafaela.

"Oo na. Kainis," I grunted before slowly getting up.

"Bilisan mong maligo at magbihis ha!" Si Rafaela naman ngayon ang nahiga sa kama ko at binasa ang librong nasa gilid nito—Agatha Christie's And Then There Were None.

Napailing na lang ako sa tinuran nito bago siya tinalikuran.

Humugot ako ng malalim na hininga bago pumasok sa banyo. I am carrying this heavy feeling right now, and I do know the reason. I'm  trying to forget everything that happened yesterday. Rafaela is probably doing the same. He hasn't uttered a single word yet about yesterday, and I'm quite thankful for that. Because in all honesty, I don't know what to say and do.

The Jerk Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon