"Hawakan mo pa paulita at baka malaglag " isang napakalaki at napakahabang bandera na ang nakasulat ay KAPAYAPAAN ,KALAYAAN AT KATARUNGAN. Napaamoy si isagani sa bulaklak ko sa tenga " Paulita ang bango naman ng bulaklak mo" biglang naging mayumi ang aking mukha.
"ah salamat isagani, halikanat ipakita natin kila basilio ang banderang ito . "
Habang nag lalakad bigla akong nalungkot dahil tila hindi ko talaga maramdaman ang kabayanihang nais gawin ni isagani. Hindi sa makasarili ako ngunit hindi ko lang talaga lubos maunawaan . Nang makalabas na kami sa dilim tinanong niya ako. "Paulita ano namangha kaba? Hindi nalamang ako tumugon at agad naming tinungo ang upuan na inupuan niya kanina . Kitang kita ko parin sa mga mukha niya ang kasabikan na makuha ang kalayaan ng bayan ..
Nang makaupo na kami lumapit saamin si basilio " Paulita may isa lamang akong tanong sa iyo sa ngayon , maari kabang sumama saamin kuhain ang katarungan at makalaya sa mga espanol na lumalapastangan sa ating bayan?" Matigas na tanong ni basilio saakin .
Huminga ako ng malalim "ngunit akoy natatakot , hindi ako handa sa mga ganyan . " nagugulumihanang sagot ko .
" hayaan nalamang natin si paulita alam kong mahirap ito para sa kanya " sambit ni isagani napatahimik nalang ako , pati si basilio .
"Tara at magtungo tayo sa lawa . " panghihikayat ni isagani .
Labis akong nalulungkot bakit ba hindi ko lubos maramdaman ang kabayanihang at pagmamalasakit nila sa bayan ni isagani . Tanda ko pa ang mga sinabi ni isagani saakin noong kami'y mag katipan pa "Makinig ka saakin ,Paulita. Alam mo kung gaano kita kamahal. Kung walang mangyari at mamatay ako sa aking paniniwala , mamamatay akong maligaya sapagkat magniningning sa iyong mga mata ang pagmamalaki. Sasabihin mo sa buong daigdig habang tinuturo ang aking bangkay na namatay ang iyong minamahal na ipinaglalaban ang karapatan ng Inang Bayan" . hindi ko lamang pinansin ang mga katagang iyon ni isagani pero alam kong doon siya masaya .. Dali dali naming tinunton ang lawa . Umupo muna kami saglit sa mga bato bato bigla akong napatingin kay isagani
"Oh Paulita , napagod kaba? " nginitian ko nalamang si Isagani .
"Aking mga kaibigan maiwan ko muna kayo saglit at maghahanap ako ng ating makakain mga prutas na madaling pitasin . " ani ni basilio . Tinapik ni isagani ang kaibigan " sige kaibigan ! "
umalis na si basilio at nagkatinginan nanaman kami ni isagani . Iba nanaman ang nararamdamn ko kay isagani , hindi naman talaga nagmaliw ang pagmamahal ko sa kanya nakangiti si isagani at akoy nabibighani nanaman sa kanyang makisig at maamong mukha na may dalawang biloy sa kanyang magkabilang pisngi .
" Paulita ano ang ba ang sanhi ng iyong mga ngiti ngayon ?" Napahalakhak ako.
"Ikaw, " lumaki ang kanyang mga mata?
"Ako?" Pagtatakang tanong
"Oo ,ikaw" nakangiting sagot ko .
"Aham! Paulita kamusta na pala ang buhay pagibig?" .
" Ako, mabuti naman mabait naman si juanito ngunit minsan tila hindi ko siya maintindihan . " malungkot na tinig ko .
" Ah ganun ba ? " sagot niya , tumango naalmang ako at bigla siya nag tanong na ikinagulat ko
" Ahm Paulita , kung may pagasa pa ba , ipaglalaban mo ba? " nagtaka ako sa tanong niya
" Ano ang iyong pinapahiwatig ?" .
" Aaminin ko paulita labis akong nasaktan at nanaghoy ng magpakasal kayo ni juanito ngunit alam kong magiging masaya ka sa kanya at nirerespeto ko ang iyong desisyon." Lungkot na tinig ni isagani .
" sandali , hindi pa pala ako nakapagpapasalamat sa iyo sa pagsagip mo sa aking buhay , sa nangyaring pagtangkang pagsabog ng ilawan sa bahay ni don timoteo ? naalala mo ? salamat Isagani marami kang nasagip na buhay ." Bigla ko siyang niyakap .
"walang anuman , bb. " nagtataka ako bakit bb na ang tawag saakin ni isagani kung gayong may asawa nako at irog naman ang tawag niya saakin noon . Nagkatitigan nanaman kami sa hindi inaasahan . Linapit ko ang mukha ko kay isagani , nilapit din niy ang kanyang maamong mukha ,naglapit ang aming mga mukha papalapit ng papalapit narin ang aming mga labi ng.........................
"Isagani!".................................
..............................
.............................
........................
...............
........
......
Tinig ng isang mayuming babae na tila anghel kung iyong pakikinggan.
![](https://img.wattpad.com/cover/107017843-288-k702770.jpg)
BINABASA MO ANG
PAULITA GOMEZ P.O.V ( EL FILIBUSTERISMO FAN MADE )
FanfictionMagandang araw sa iyo ! Ang istoryang ito ay patungkol sa babaeng kahalihalina , mayumi at isang dalagang pilipina, Si Paulita Gomez ay isa sa character sa nobelang El filibusterismo ni Dr.Jose Rizal . Paalala: Kailangan munang basahin ang n...