Magandang umaga , Kilala niyo ba si Paulita Gomez? kung hindi pa , Halika't kilalanin natin siya.
Si Paulita Gomez ay isang mayaman at mayuming dalaga ngunit ulila na , katipan ni Isagani sa Nobelang El filibusterismo ngunit sa huli ay maipapakasal siya kay Juanito pelaez , Siya ay Pamangkin Ni Donya Victorina. Kung inyong tatandaan si Donya Victorina ay isa rin sa mga Character sa Nobela ni Jose Rizal na Noli Me tangere at El Filibusterismo. Si Donya Victorina ay isang mapagpanggap na babae na itinuturing ang sariling isang europeo , Sobrang pupula ng mga pisngi at kay puputi ng mukha na parang geisha , Mabalik tayo kay Paulita sa kwentong ito masasaksihan natin ang mga pangyayaring naganap ilang taon matapos ang kasalan nila ni Juanito Pelaez at matapos mangyari ang pagtagkang pagsabog sa bahay ni don timoteo pelaez na sa katunayan ay bahay ni Kapitan tiyago ngunit ipinagbili naman na ito . sa kwentong ito may mga bagong character na makikilala at maipakikilala pa sa kwentong ito kung sino nga ba talaga si Paulita at kung ano ang nangyari sa kanyang buhay matapos ang mga pangyayaring yaon. , maipapakita rin dito ang mga walang habas na kasamaan ng mga prayle noon . tunghayan natin ang mga pangyayari sa buhay ni Paulita Gomez .
Mahigpit kong pagpapalala sana ay mabasa ninyo ang nobelang Elfilibusterismo bago basahin ang kwento upang malaman niyo ang katangian ng mga tauhan sa kwento . Sana ay mag enjoy kayo sa pagbasa . Maraming Salamat at nagkaroon kayo ng oras upang basahin ang kwentong ito salamat sa inyo.

BINABASA MO ANG
PAULITA GOMEZ P.O.V ( EL FILIBUSTERISMO FAN MADE )
Fiksi PenggemarMagandang araw sa iyo ! Ang istoryang ito ay patungkol sa babaeng kahalihalina , mayumi at isang dalagang pilipina, Si Paulita Gomez ay isa sa character sa nobelang El filibusterismo ni Dr.Jose Rizal . Paalala: Kailangan munang basahin ang n...