PISTA SA BACLARAN

162 2 0
                                    


Maaga akong ginising ng mga maiingay na manok . Lumabas ako sa aking silid pumunta sa banyo upang maghilamos. Sa mesa naroroon ang aking tiya victorina kumakain kasama si hermana penchang . Hindi ko nga labis maintindihan kung bakit naririto si hermana penchang .

" Oh , Paulita nangangayayat ka ata " sambit ni hermana penchang .

"Anong nangangayayat ang taba na nga ng aking pamangkin eh " pagtututol ng aking tiya sa sinabi ni hermana penchang

"ah mabuti naman at hindi ka nagmukhang matanda wala ka atang kolorete sa mukha ?" Pang aasar ni hermana penchang habang patingin tingin kay tiya victorina .

"teka ?! Ako ba ang iyong pinaparinggan?" Pagtataray na tanong ni tiya victorina .

"Si paulita ang kausap ko victorina . " tugon ni hermana penchang

"ngunit hindi naman nag lalagay ng kolorete sa mukha ang aking pamangkin , kaya marahil ako ang iyong pinaparinggan !" Pagalit na tugon nito.

"ipagpaumanhin mo ngunit akala koy may kolorete si paulita dahil sobrang pupula ng kanyang mga pisngi at labi . Ngunit ako palay nagkakamali . " pagpapaumanhing sagot ni hermana penchang .

. "Sha! Magkape na lamang tyo Hermana penchang " at nagpatuloy na ako sa banyo .

Matapos kong mag sepilyo at maghilamos at lumabas ng banyo agad akong tumungo sa lamesa para kumain ng umagahan .

"Dadalo ba kayo mamaya sa pista?" Tanong ni hermana penchang

"pista saan?" Pagtatanong ko .

"Iha ,hindi mo ba natatandaan na pista ngayun ng baclaran?" Tugon ni tiya victorina .

Ngayon pala ang araw ng pista ng baclaran Disyembre 15 . kumain na muna ako at tinapos ang aking umagahan .

"Mauna na ako . Victorina at Iha, magkita na lamang tyo mamaya sa baclaran" pagpapaalam ni hermana penchang

. Ako man ay tapos na rin sa aking umagahan .

"Iha, ikay maghanda dahil pupunta tyo sa pista ng baclaran ." Suotin mo ang kamisetang binili ko ." Hindi na lamang ako sumagot at nagpatuloy na ako papunta sa aking silid.

Dumaan ako sa silid ni juanito at wala siya doon . Tumakbo ako pabalik sa mesa

"Tiya! Asaan si Juanito?" Pagtatanong ko habang hingal sa kakatakbo

"Nauna na sila nila pecson , sandoval sa baclaran " sambit nito .

"Ah ! Mabuti kung ganoon sige ho akoy maliligo na at mabibihis"

Natapos na akong magligo at magbihis ngayoy pababa nako at pasakay na ng karuwahe.

"Paulita! Dios mio ! kay bagal mo , dalian mo at tayoy mahuhuli na" pagmamadali ni tiya .

Agad akong nagmadali papunta sa karuwahe suot ang asul na kamiseta na may mga brillante sa ibaba at ang buhok ay tila kulot sa duluhan at mga sapatos na kay kikintab . Umandar na ang karuwahe binaybay na namin ang paseo de blas patungo sa punta dela sabana at pagkatapos noon ay sa daraanan namin ang bahay ni Esteban at dadaan ng espana manila hanggang matunton ang baclaran . Habang kami ay nagbabaybay naglalagay ng kolorete sa mukha ang aking tiya.

"iha maari mo bang tignan ang aking mukha ? Maayos naba ito at maputi na at parang isang europea ?"

Napa oo nalamang ako sa kanya kahit na ang pupula ng kanyang pisngi na tila parang sinuntok ni barabas . Nasa bahay na kami ni esteban at marami ng tao nag sisipuntahan sa pista sa baclaran . maraming kalalakihan ang nagkukumpulan at tila napapatingin saaming karuwahe.

."iha ,nakatitig saakin ang mga kalalakihan . Tumabi ka at baka makita ko si tiburcio." Itinaas ko nalamang ang pamaypay at itinakip ito sa aking mukha . Mayamayay natungo na namin ang baclaran sa wakas at narito na kami .

"Baba iha!" Bumaba ako at inabot ni ginoong leo ang aking kamay hinantay ko ang aking tiya .

"LEO! lapastangan ka dalian mo tulungan mo akong makababa hmmm.." pagtataray ni tiya .

Binaybay namin ang baclaran ang daming tao ngunit mabuti naman ang aking pakiramdam dahil binabantayab ako ni ginoong leo at ni ginoong emil .

"Leche! Ang babaho ng mga tao dito ! Tila amoy balut sa dami nakakadiri" pangdidiring tinig ni tiya victorina .

Sa di kalayuan may nakita kaming isang karatula namay nakasulat na "Hiwaga ng kadiliman ,tarat saksihan ang nangyari sa nakaraan " . Isang palabas naman ata ito .

"Dios por santo ! Si ginoong leeds ay nagbabalik?" gulat na tanong ni tiya victorina .

"Hindi ho si ginoong leeds ang mamumuno diyaan , Donya Victorina " Sagot ni Ginoong Emil........

PAULITA GOMEZ P.O.V ( EL FILIBUSTERISMO FAN MADE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon