Ika 11 na ng gabi ng akoy makauwi sa aming tahanan . Dahan dahan akong umakyat ng hagdan at sa may di kalayuan may narinig akong ingay na nagtatawanan sa silid ni juanito .
Oo, marahil mag asawa kami ni juanito ngunit mahigpit na pinag uutos ng aking tiya na dapat ay magkahiwalay kami kung matulog .
Nasa dulo ang aking silid tabi ng mga salamin ang silid naman ni tiya victorina ay katapat lamang ng silid ni juanito . dahan dahan akong dumaan sa kwarto ni juanito . Ayokong marinig pa ng mga tao dito ang yabag ng mga paa ko .
"AAHAAAAHA ,iho kilitiin mo ako dito" . Masayang halakhak na nanggagaling sa babaeng tinig ay parang matanda na . Inakala kong si tiya bakit nga ba ? dahil napapansin ko na si Tiya noon pa lalo na noong nanood kami ng Palabas na ang lenguwahe ay wikang pranses at kasama namin si Juanito , ramdam ko iyon at tila nagbulag bulagan nalamang ako kaya pumunta ako sa tapat ng kanyang silid sa pintuan .
" Krrrrrr! zzzzzzz!" Hilik ng isang babaeng tinig din ay parang matanda na at alam kong si tiya iyon . Bumalik ako sa silid ni juanito at..............
"JUANITO! Dalian mot baka dumating na ang iyong asawa" . Malakas na tinig ng babaeng kanina ko pa naririnig sa maysilid ni juanito .
Dali dali akong humarap at itinapat ang tenga ko sa pintuan ng silid .
"JUANITO , Kay sarap ng iyong mga labi , ihoo lumapit ka kung gusto mo akong halikan , alam na alam mo naman diba gusto ko rin"
hindi nako nakapagpapapigil at dali daling hinawakan ang bukasan ng pintuan, hindi ito nakalock .
Hinawakan ko ang bukasan ng pinto at bigla itong binuksan ... attttttt.... ... biglangggg ...... ......
.........
...........
...............
..................
..........
..........
...........
.............
................
"TIKTILAOK! ,TIKTILAOK!" tinig ng mga manok na nakakarinding pakinggan . Haaay ! Magandang umaga!
BINABASA MO ANG
PAULITA GOMEZ P.O.V ( EL FILIBUSTERISMO FAN MADE )
FanficMagandang araw sa iyo ! Ang istoryang ito ay patungkol sa babaeng kahalihalina , mayumi at isang dalagang pilipina, Si Paulita Gomez ay isa sa character sa nobelang El filibusterismo ni Dr.Jose Rizal . Paalala: Kailangan munang basahin ang n...