Isang umagang kay ganda ganda ngunit lungkot ang aking nadarama , hindi ko wariy maisip kung bakit , siguroy dahil sa mga nangyari . hindi ko din alam kung ano ang nadarama ko sa mga nangyayari sakin ngayoon . masaya naman ako ngunit tila hindi ko lubos maunawaan ang aking puso dahil tila iba ang sinasabi nito .
Masaya ako kay Juanito Pelaez , pumayag nalamang ako na mag pakasal sa kanyang at sa totoo lang minsan tila napapamahal narin naman ako kay juanito , si Juanito ay isang lalaking mapagpatawa , napapangiti rin niya ako minsan ngunit ang hindi ko lang talaga maintindihan bakit sa tagal na naming mag asawa ni Juanito ay di pa nasagi sa isip kong makipag talik sa kanya? marahil hindi pa buo ang pagibig ko sa kanya , marahil , marahil ,
kamusta ako nga pala si Paulita , ngayon ay nasa tahanan ako . nasa bintana nakatingin sa mga halamang sumasayaw sayaw at sa mga taong tila akala moy nakakita ng isang bangkay na nabuhay kung makatingin . nais ko nga palang ibahagi sa inyo ang karanasan ko sa mundong ito , simple lamang akong babae kung inyong mamarapatin . maraming mga pagsubok ang aking nasaksihan at naranasan , mga pagsubok na magiging aral para sakin at sana para sa inyo rin . marami akong hinanakit sa aking puso , maraming lungkot ang nadarama tuwing babalikan ko ang mga nakaraan . palagi kong tinatanong sa aking isipan tama ba ang desisyon kong pakasal kay juanito ? o dapat akong umalis noon at sumama nalamang kay isagani . ngunit isa akong makasariling babae noon , yun ang tingin ko sa aking sarili , para saakin pangarap lamang si isagani , ayaw din ni tiya victorina sa kanya , kailangan ko silang sundin dahil alam kong makabubuti ang kanilang desisyon , pero akoy nag kamali , siguro nga'y nag bulag bulagan ako at nag sunod sunuran lamang sa kanilang lahat . natatanong ko rin sa aking sarili kung masaya ba talaga ako sa aking buhay ? dapat ko bang balikan ang nakaraan , sa tingin ko ............ haaaay! hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin . maaari niyo ba akong tulungan ? sa tingin ko'y kailangan ko munang hanapin ang aking sarili , kailangan kong malaman kung ano ba ang dapat kong gawin . tila nagugulumihanan na ako , dapat pa ba na manatili ako kay Juanito , o dapat nang lisanin ang bayang kay raming kahabag habag na pangayayaring naganap . haaaaaaaaay! bahala na !....................
teka , may inaatay pala ako kaya pala narito ako sa tapat ng bintana , oh siya ! sige Adios mga Amiga........
BINABASA MO ANG
PAULITA GOMEZ P.O.V ( EL FILIBUSTERISMO FAN MADE )
Fiksi PenggemarMagandang araw sa iyo ! Ang istoryang ito ay patungkol sa babaeng kahalihalina , mayumi at isang dalagang pilipina, Si Paulita Gomez ay isa sa character sa nobelang El filibusterismo ni Dr.Jose Rizal . Paalala: Kailangan munang basahin ang n...