TALAARAWAN

230 2 0
                                    

Kamusta ? Matagal tagal narin akong hindi nakasulat sa talaarawan na ito . sa bagay teka ngayon pala ay martes , ika 15 ng Abril 1885 . ilang buwan narin matapos mangyari ang pagkikita namin nila isagani , basilio at ara . Nga pala , nagkita kami ni Ara sa bayan bumibili siya ng mga pagkain sa tingin ko para kay Isagani iyon pero sabi ni Ara wala naman daw si isagani , umalis daw sila ni Basilio at may inasikaso . 

isang beses ko nalamang nakita si ara matapos noon , hindi na kasi ako lumalabas ng bahay , nalabas na lamang ako kung akoy magsisimba . Umuwi kasi ako sa bayan ng San Diego Noong enero hanggang Marso . Ayun ! hinanap namin ni Tiya si Tiyo Tiburcio at hindi parin namin siya nahagilap......

maaring ngayoy natatanong ninyo kung kamusta ako ? 

mabuti naman ako , kagagaling lamang sa sakit na lagnat ngunit okay naman na . dinalahan nga pala ako ni juanito ng mga bulaklak mga rosas na kay pupula at kay babango . umalis kasi si juanito at hindi pa siya umuuwi sa tingin ko'y kasama niya sila pecson at sandoval.

alam ba ninyo na minsan nasasabi ko rin sa aking sarili na tunay nga talagang mabait Si Juanito , napakatamis ng kanyang mga sinasabi at pati na ang kanyang mga  ngiti . ngunit sa mga sinasabi niyang iyon ni isa doon ay hindi pumantay sa tamis na sinabi saakin ni isagani noon . haaaay! puros nalamang isagani , hindi ko talga alam ang nararamdaman ko sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni isagani , animoy bumabalik ang mga nakaraan saakin . haaay! bahala na . 

Marami nanaman akong tanong saaking isipan , nakita ko si hermana bali noong nakaraang linggo at hanggang ngayon pinag uusapan pa din nila ang pag panaw ni HULI. hindi ko lang talaga lubos maintindihan kung bakit sinisisi ni Hermana Bali Si Huli sa kanyang Desisyon . Ang pagkakaalam kasi ng lahat si Hermana Bali ang nag udyok kay Huli upang humingi ng tulong kay Padre Cammora . Haaay! Kahabag habag ang nangyare kay huli , hindi kami magkaibigan ni huli pero nakusap ko siya isang beses . napakabait niya at mayumi din ang mukha kaya nga labis ang lungkot ko nang mabalitaan kong namayapa siya dahil lamang sa kagagawan ng walang hiyang pari na iyon . ewan ko ba kung bakit hindi magawang ikulong ng mga nakatataas ang paring iyon . ang pagkakaalam ko sinundo na siya nila padre irene , sibyla sa kanyang kulungan at alam ko patungo sila sa isang pista sa manila . malamang mag hahanap nanaman sila ng mga babaeng aalipustahin nila . haayyy! ipinagpapasa diyos ko nalamang talaga ang lahat . teka ! kelangan ko na palang lumabas ng aking silid . hanggang sa muli , paalam! .

                                                

                                                                      


PAULITA GOMEZ P.O.V ( EL FILIBUSTERISMO FAN MADE )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon