CHAPTER 11:

4.7K 147 3
                                    

Cross's POV

Habang naglalakad ako pabalik ng dorm namin ay napatingin ako sa dorm ng mga babae.. At nakita kong bukas ang pinto ng veranda ng babaeng yun... At nakita ko naman sya na sinara ang veranda...

Psh..

At nung papasok na ako sa dorm na mga lalake...

"CROSS!!!"

Sh*t

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ma babaeng yun at dumaan sa may veranda nya at sinira ko ang sliding door..

And then i saw Ivan trying to suck her blood...

Agad akong pumunta sa gawi nila at hinagis ng malakas si Ivan...

***
Third Person's POV

"sh*t Ivan!!! I told you!!! Stay away from her!!!!" galit na sigaw ni Cross sa kapatid nya habang sinasakal nya ito

Kitang-kita na ang pulang mga mata ni Cross... Mga matang handang pumatay...

Nagpumiglas naman si Ivan at dahil malakas din sya ay natanggal nya ang kamay ni Cross na nakasakal sa kanya...

"Cross.. Easy... Gusto ko lang naman tikman dugo nya eh.. Wag ka namang madamot Cross..." nakangising sabi ni Ivan kay Cross na halatang iniinis nya ito

"Shut up!!! I told you!!! She's my property!!! She's mine!!!" galit na sigaw ni Cross

At sa sobrang galit nya ay mas lalong humaba ang mga pangil ni Cross at sinakal ulit si Ivan at tinama sa pader...

Kitang-kita na ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo ni Ivan...

"I'M GOING TO KILL YOU D*MBASS!!!" galit na sigaw ni Cross

"CROSS!!! STOP PLEASE!!!! *sob* " umiiyak na sigaw ni Sav

"please Cross.. *sob* Wag mo syang patayin.. *sob* kapatid mo sya... *sob* " umiiyak na pagmamakaawa ni Sav

Bigla naman bumalik sa tuliro si Cross nang marinig nya ang sumisigaw na Sav.. Bumalik na ang pangil nya sa dati.. Bumalik na din sa daru ang kanyang mga mata... At binitiwan si Ivan na ubong-ubo..

"Maswerte ka.. Pero sa susunod na gawin mo ulit yan.. Kahit kapatid pa kita.. Papatayin kita..." mapagbantang sabi ni Cross sa kanyang kapatid

*tok!* *tok!* *tok!*

Isang malakas na kalabog ng katok sa pinto.. At bigla nalang nasira ang pinto ng kwarto ni Sav at iniluwa ito nina Ayu at Zeon at mga estudyanteng nasa labas ng kwarto..

"What happen here?!?!?!" galit na sigaw ni Ayu habang masamang nakatingin kay Cross

At nung makita nya si Sav na iyak ng iyak ay bigla nalang nya itong nilapitan at niyakap..

"better clean this mess Zeon... Lalo na yan lalakeng yan.. Baka tuluyan ko pa sya..." sabi ni Cross at mabilis na nawala

"Prince Ivan.." sabi ni Zeon habang tinutulungan nya itong makatayo

"tsk. Ano bang meron sayong babae ka at sobra ka kung protektahan ng kapatid ko???" sabi ni Ivan at bigla nalang din naglaho...

"tahan na Sav.. Tama na..." sabi ni Ayumi habang pinapatahan si Sav

"grabe.. Parang dinaanan ng sampung bagyo tong kwarto mo Sav.. Grabe talaga.. Talagang nakakamangha ang lakas ng mga pureblood..." namamanghang sabi ni Zeon

"Zeon mamaya kana nga lang mamangha pwede!!! Pulutin mo nalang kaya yung kwintas nya!!!" galit na sigaw at utos ni Ayumi

Agad naman pinulot ni Zeon yung kwintas at saka isinuot kay Sav.. At napansin naman nya ang dalawang tuldok sa may leeg nya na mababaw lang..

"Ngayon alam ko na kung anong dahilan... Prince Ivan tried to suck her blood.. Tama ba ako Sav???" sabi ni Zeon

At tumango naman si Sav, sign ng pasang-ayon..

"okay!! Kayo!! Pumasok na kayo sa mga kwarto nyo!!! Tapos na ang palabas!! Kaya makakaalis na kayo!!!" bugaw ni Zeon sa mga estudyanteng nakikichismis..

Agad naman silang bumalik sa mga kwarto nila...

Hanggang sa may tumalon na pusa sa harap ni Sav..

"meow.. Meow..." sabi ng pusa habang hinihimas ang ulo nya sa paa ni Sav..

Agad naman tumahan si Sav at kinarga nya ang pusa then hinimas-himas yung ulo ng pusa..

"Sav? Kelan ka pa nagkaroon ng pusa???" takang tanong ni Ayumi

"n-nakita ko s-sya sa may grave m-malapit sa building natin.. S-sinundan nya ako k-kaya naisipan kong k-kunin sya.." nauutal na sagot ni Sav

"oh Sav.. Ilalagay ko lang to ah.. Pantakip lang sa sugat mo.." paalam ni Zeon at tumango naman sya

"Halika na Sav.. Dun ka sa kwarto ko muna matulog.. Halika na para makapagpahinga ka na..." aya ni Ayu at tumango naman si Sav at kinuha yung mga gamit nya bago dumerrtso sa kwarto ni Ayu..

Agad din bumalik si Zeon sa dorm nila upang makapagpahinga na din..

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon