Sav's POV
Tatlong araw na ang lumipas matapos nung araw na nakausap ko si Terrence.. And kagaya nga ng sabi nya, sa amin muna ang lahat ng pinag-usapan namin..
May pasok kami pero wala ako sa mood pumasok.. Hayy nakakatamad kasing pumasok eh...
Habang nakaharap ako sa salamin at sinusuklay ang buhok napahawak ako ang parteng kinagat ni Cross nun.. Hindi halatang may kagat pero pag nahawakan mo mararamdaman mo ang dalawang tuldok na pinagbaunan ng mga pangil nya...
"bakit hindi ka pumasok??"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa narinig kong nagsalita sa likod ko, paglingon ko si Cross lang pala slash Vampire Reypist...
Oo icacareer ko na ang ganyan tawag sa kanya hahaha..
"ano bang ginagawa mo dito?!?! Tsaka wag ka ngang manggugulat!! Tsaka pake mo ba kung di ako pumasok??? Eh sa tinatamad ako eh..." sigaw ko
"so bawal na ngayon ang magtanong ganun?" taas kilay nyang tanong
"so kelan ka pa nagkaroon ng pakealam sakin??" taas kilay ko din tanong
"porket nagtanong na may pakealam na ako sayo???" balik na tanong din nya
Kaya naman napakunot ang noo ko..
Halata naman na nang-iinis tong bampirang to noh!!
"pwede ba! Kung mang-iinis ka lang din umalis kana dito!" inis na sigaw ko
"ano bang problema mo at sobrang init ng ulo mo???" taas kilay nyang tanong
"wala kana dun!" sigaw ko
"halika na nga" sabi nya sabay hila ng kamay ko palabas ng pinto
At nagpumiglas naman ako at hinila ang kamay ko..
"sabing di ako papasok!" sigaw ko
"tsk! Sumama kana nga lang!" galit na sigaw nya kaya naman napatahimik nalang ako
At sa isang iglap ay nakarating kami sa rooftop..
Natinag ako sa view ng lugar...
Napakaganda..
"bat mo ako dinala dito??" takang tanong ko
"hindi ka maayos makausap eh" sagot nya habang nakatingin sa malayo
Kahit sa side view angwapo nya.. Hayyy sabagay ano ba naman ang aakalain mo sa isang vampire prince na kagaya nya..
Napatingin din ako sa malayo...
"Cross.." tawag ko sa kanyang pangalan
Napatingin naman sya sa akin..
"sa tingin mo.. Bakit kaya ako pinadala ni mama dito? Bakit dito nya ako pinag-aral? Bakit tao ako, habang ang ina ko ay bampira??" gulong-gulong tanong ko
"Hindi ko alam kung bakit.. Pero tanging ina mo lang ang makakasagot ng mga tanong mong yan.. At kung hindi man ang iyong ina, maaaring nasayo ang sagot sa mga tanong mo.." makahulugan nyang sagot
Napangiti nalang ako sa kanya dahil sa sagot nya..
"siguro nga.." sabi ko
"nga pala.. Yung tunkol sa nangyari tatlong araw na ang nakakalipas.." sabi nya
Hayyyy..
"wala yun.. Wala naman nangyari eh.. Nung sinundan ko yung kamukha ni sir Dex agad din itong nawala nung nasa kalagitnaan na kami ng gubat.." sagot ko at pili na ngumiti.
BINABASA MO ANG
Vladpire Academy (COMPLETED)
VampireHighest Rank: #9 #3 Reincarnation #66 Vampires Matatalim na mga pangil, Mapupulang mga mata, Mga uhaw sa dugo... Lets welcome!! The Vampires!!! If you are one of them.. Don't be shy and let's enroll to VLADPIRE ACADEMY!! So we can know what type of...