CHAPTER 37:

3.9K 118 4
                                    

Grant's POV

tsk! Naaasar na ako dito sa lalakeng to!! Ni ayaw nya kasing ipalapit sa akin si Dawn!!

Nandito na pala kami sa mundo ng mga tao. At bumili kami ng isang mansion dito para tirhan namin anim.

Oo anim lang kami. Kami ni Trinity at ang tatlonf magkapatid pwera dun sa pinakamatandang kapatid nila.. Naiwan siya para tumulong dun..

"Wala.. Ayaw pa rin nyang lumabas.." umiiling na sabi sa akin ni ni Ate Trin

"tsk! Ayaw naman kasi akong palapitin sa pinto nung walayang lalakeng yun! Feeleng naman nya pagmamay-ari nya si Dawn!" asar na sigaw ko habang pinaggigigilan ang unan.

"hahaha hindi nya pagmamay-ari ang babaeng yun, pero prinoprotektahan nya lang ang kabloodline nya!" biglang sulpot ng isa pa sa magkakapatid na si Iva na saksakan ng kalokohan at kapilosopohan.

Kung bakit kasi sila pa ang nakasama namin sa iisang bahay!!!! Kung hindi magkakasundo ang mga magulang namin, MAS lalo naman kaming mga anak nila!!!

At isa pa! Hindi ko talaga matanggap na kabloodline ng lalakeng yun si Dawn! Tsk!

"ano na naman bang ginagawa mo dito?! Umalis ka nga!!" asar na sigaw ni Ate.

"wag ka naman ganyan sa akin! Sinasanay ko lang sarili ko na kasama ka.." sagot nung Ivan habang nakangisi

"at bakit naman??" taas kilay na tanong ni Ate

"para pag kinasal na tayo, hindi kana maiinis pa sa presensya ko." sagot nung Ivan habang gamit ang nakakalokong ngiti.

"p*nyeta! Kahit kailan hindi ko pinangarap na makasal sayo! Get out!" asar na sigaw ni Ate habang pinagbabato ito ng unan at saka nya lang naisipan lumabas ng kwarto ko.

"wala nang ginawang maganda yun sayo. Wala nang araw na hindi ka nya pinagtritripan." sabi ko kay Ate

"tsk! Sinabi mo pa!" asar na sigaw ni Ate habang nakahiga sa kama ko na mukhang nagsisimula nanag antukin.

"pero hindi ko naman sinabing matulog ka sa kwarto ko!" sigaw ko dito.

"don't be such a rude Grant. Wag kang mag-alala.. Lalabas din ako. Patulugin mo lang ako kahit sandali lang.." sagot nito habang humihikab.

Agad akong tumayo sa kama ko at lumabas.

Tss. Bahala na nga  sya dyan matulog!

Paglabaa ko ng tuluyan ng kwarto ay agad akong sumilip kung nandun pa rin ba sa may pinto ni Dawn ang lalakeng yun..

Himala! Wala sya! Makalapit nga!

Pagkalapit ko ay agad oong kinatok ang pinto nito..

"Dawn.. Si Grant to.." sabi ko habang kumakatok pero ni -ah ni -oh wala manlang akong narinig..

Mag-iisang linggo na kaming nandito, at mag-iisang linggo na din hindi lumalabas at hindi kumakain si Dawn.

Hindi ko sya masisisi kung bakit nagkakaganyan si Dawn kaso kung ako ang nasa sitwasyon nya, siguro mas malala pa dyan ang ginagawa ko ngayon. Pero mali pa din na gingutom nya sarili nya.

"Dawn.. Lumabas ka naman na dyan oh.. Namimiss na kitang kausap.. Matagal na nung huli tayong nag-usap alam mo ba yun? At ampanget pa ng huli nating usap at pagkikita.." sabi ko dito pero mukha talagang wala syang balak lumabas, hanggang sa nakaramdam ako ng presensya na palapit sa kinatatayuan ko, kaya naman ay agad akong pumasok sa silid ni Trinity na katabi lang ng silid ni Dawn.

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon