CHAPTER 27:

4K 103 8
                                    

Ayu's POV

Pagbaba namin ng bangka ay pababa na rin ang araw, kaya kailangan namin maging alerto dahil narito na kami sa teritoryo ng mga Collin.

Kung kanina ay naglalakad kami papunta, ngayon naman ay tumatakbo na kami papunta. Kailangan kasing bilisan dahil syempre ang plano bago sumikat ang araw ay dapat pabalik na kami sa Academy.

At hindi pa kami nakakakalahati ng gubat ay may sumalubong na sa amin na mga

.

.

.

.

.

.

.

ROUGES?!?!

"Tss. Nagkalat talaga ang mga walang kwentang bampira sa gubat na to." asar na sambit ni Prince Ivan habang napapailing ito

Grabe.. Andami nila.. Pero syempre, dahil nandito ang dalawang prinsipe, kayang-kaya na namin to.

Mabilis na gumalaw si Prince Ivan at sa isang iglap ay tumilapon ang katawan ng isang Rouges, ngunit wala na itong ulo. At kagaya ni Prince Ivan ay mabilis din gumalaw si Cross at pinatay isa-isa ang mga Rouges..

Agad din kaming tumulong ni Zeon sa kanila at mabilis akong lumapit sa isang Rouges na halatang uhaw na uhaw na sa dugo, at pulang-pula na ang mga mata..

I'm sorry.. But I have to do this.. Alam kong hindi nyo sinadyang maging ganyan. Pero ito ang nararapat..

Agad kong inilabas ang maliit na punyal ko o kutsilyo at isinaksak sa bandang puso nito at isinaksak ulit sa bandang ulo nito at agad itong nanging abo.

Paulit-ulit lang kami sa pagpatay sa kanila. At dahil sa marami sila, hindi maiiwasan ang magtamo ako ng galos at sugat. Pero nakayanan ko naman.

Agad ko din sinipa ang Rouges na nasa harap ko at mabilis na sinaksak ang ulo nito, at kagaya ng iba agad itong naging abo.

Pagtayo ko. Nagulat ako nung wala nang Rouges na nakapaligid.

Hell??? Lima palang napapatay ko eh!!

"we need to be hurry.." cold na sambit ni Cross na halatang katatapos lang makipaglaban kasi sa sobrang gulo ng buhok.

Well hindi lang pala sya.. Kaming lahat..

Mabilis ulit kaming tumakbo palabas ng gubat. At habang kasalukuyan kaming tumatakbo nakakaramdam ako na may kung anong hindi magandang nangyayari kay Sav..

Ewan ko lang kung tama ba tong nararamdaman ko o baka nasobrahan lang ako sa pag-iisip at pag-aalala sa kanya. Pero sana naman.. Wala sana..

At nang tuluyan na kaming makalabas ng gubat ay bumungad sa amin ang mga naglalakihan pader na sa kabila nun ay ang kinalalagyan at kinaroroonan ni Saviahna..

Malapit na kami.. Konti nalang.. Makikita kana ulit namin Sav.. Hintay lang..

"so what's the plan?" taas kilay na tanong ni Prince Ivan

Napaisip naman kami sa tanong ni Prince Ivan, syempre kailangan namin maging maingat alangan naman pumasok nalang kami dyan ng basta-basta. Kahit na ang Greyson brothers pa ang kasama namin ni Zeon, hindi namin kakayanin ang bilang nila sa loon. Paniguradong dehado kami sa dami nila.

"alam nyo.. Sa kabila ng pader na yan.. Kung inaasahan nyong nandyan na agad yung babaeng yun. Nagkakamali kayo.." biglang sagot ni Prince Ivan

Huh???

"haist dapat kasi bago kayo pumasok sa gulong to, dapat inalam nyo muna. Mga walang kwenta! Kagaya sa atin, kailangan muna natin lagpasan ang isang eskwelahan bago ka makarating sa kinaroroonan ng mga Collin." mahabang pagpapaliwanag ni Prince Ivan na may halong pang-iinsulto

Vladpire Academy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon