chapter 11 ang pagbabalik

83 7 0
                                    


Oh aking alexa sa wakas naging akin karin !
matagal na kitang nakikitang nahihirapan at humingi ka rin ng tulong ! nakangising wika ng demonyo ng makarating ang kaluluwa ni alexa sa imperno .

Hindi lang umimik si alexa sa mga pinagsasabi ng demonyo dahil una sa lahat paano sya nakikilala nito e ngayon lang sila nagkita.

Sa wakas tuluyan na akong maging hari at ikaw ang nakatakdang aking maging reyna ! dagdag pa ng demonyo sa walang imik na si alexa sinabayan nya pa ng halakhak.

Ayokong maging reyna ang gusto ko ay maghiganti ! sigaw ni alexa kaya naman dumagondong ang buong emperno at takot na takot sa kanya ang ibang mga kaluluwang naroon.

Hindi ganun kadali ang iyong ninanais! sabi ng demonyo kaya naman napatingin ng masama si alexa sa kanya.

Akala ko ba makapangyarihan ka kaya nga ikaw ang aking piniling tawagin diba ! galit na wika ni alexa .

Hindi pa sa ngayon kailangan kita upang tuluyan na akong maging hari at makamit ang kapangyarihang taglay ng aking ama. ! malalim na sabi ng demonyo.

Pwes wala akong paki ! kung hindi mo ako matutulungan lamang ding hindi kita matutulungan sa nais mo ! wika ni alexa sabay lakad paalis .

Alexa huwag mong gawin to sakin matagal na akong sabik na maging hari ! sigaw nya kay alexa pero nanatili lamang walang kibo si alexa.

Alexa ! sigaw nyang muli , ano ba ang gusto mo para pumayag kang aking maging reyna !? tanong nya kaya naman napangiti ng malapad si alexa sabay harap .

Gusto kong bumalik sa lupa ! walang ka gatol-gatol na sagot ni alexa.

Pero aking reyna ! tutol ng demonyo.

Wala ng pero pero gusto kung bumalik sa lupa at bigyan mo ako ng kapangyarihang itim . ! sabi ni alexa kaya naman napatikom nalang ng bibig ang demonyo saka pumayag sa gusto nya.

Paalalahanan kita aking reyna 50-50 pursyento na tatanggapin ka sa lupa kung hindi mo kaano ano ang katawang sasaniban mo ! wikang muli ng demonyo .

Anong ibig mong sabihin ? tanong ni alexa .

Dapat ay kapatid ng iyong ina o di kaya ng iyong ama o mas mabuti ay ang katawan ng iyong anak ang masasaniban mo para tatanggapin ka sa lupa ng mga buhay
' paliwanag ng demonyo kaya naman napahawak sa bibig si alexa dahil ang alam nya ay walang kapatid ang kanyang ina at ama .
Hindi nya rin alam kung buhay pa ang kanyang anak pero kung sakaling buhay man ito ay hindi nya kayang saniban ang sariling anak.

Wala na bang ibang paraan ? tanong muli ni alexa .

Meron isa nalang ' sagot ng demonyo.
Ano? ! tanonfg ni alexa .

Ang taong napaka makasalanan sa mundo ! sagot ng demonyo kaya lumiwanag ang mukha ni alexa .

Sege hahanapin ko ang taong iyan ! sabi ni alexa dahil alam nyang maraming taong makasalanan sa mundo.

Pero aking reyna segundo-segundo syang nakakagawa ng kasalanan at never pa syang nakakagawa ng mabuti! paliwanag ng demonyo kaya naman napasigaw si alexa.

Ano? meron bang taong ganyan e lahat naman ata nakagawa ng mabuti !

Hindi ko masasabi .' yukong sabi ng demonyo.

Bahala na dalhin mo na ako sa lupang ibabaw ! utos ni alexa sa demonyo kaya naman sa isang kumpas ng demonyo ay biglang napalibutan ng maiitim na usok si alexa.

Ahhhhh hiyaw ni alexa ng maramdamang parang hinigop sya at pilit na pinasok sa isang maliit na butas.








Napatayo bigla si alexa ng maramdamang nanaginip sya ng masama.
Ano bang klaseng panaginip yun ? tanong niya sa sarili.

The weeding ring [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon