chapter 9

2.2K 58 1
                                    

chapter 9: picture

naglalakad ako sa gitna ng war zone, na para wala akong pake kung naglalaban ba ang ibang gangs so what?? kaya ko naman ipagtangol ang sarili ko at tsaka bad mood ako kaya wag silang epal.

nasagot nga ang katanungan ko kung sino ba si Maxine Hernandez pero nadagdagan naman ang mga tanong ko sa aking isipan.

kailan ba talaga masasagot ang lahat ng katanungan ko, bakit tuwing nasasagot ang mga tanong ko nadagdagan naman haysss.

may biglang humila sa akin at inilayo ako sa gitna ng feild nagulat ako sa paghila nya napatingin ako sa taong humila sa akin, akala ko lang simpleng naglalakad lang kami pero tumatakbo na pala kami, feeling ko huminto ang buong paligid, dahan dahang tumatagos sa amin ang mga sandata ng ibang gang na ani mo'y kami lang ang mabilis na kumikilos, at ano itong nararamdaman kong pagbilis ng tibok ng aking puso??

ano ito?

tumigil kami sa mga kakahuyan at iniharap nya ako sa kanya, nakita ko muli ang mata nyang ani mo ay dagat na napakalalim.

''nasisiraan ka na ba ng bait? bakit ka nasa gitna ka ng war zone, alam mo bang delikado doon? mag isip ka naman, hindi sa lahat ng pagkakataon anjan ako para sagipin ka.'' pagkatapos nyang sabihin iyon na wala na siya ng tuluyan sa dilim.

ano yung naramdaman ko? bakit bumilis ng ganon ang pagtibok ng aking puso? at sino ka ba talaga war hero? ba't sa dinami dami ng pwede mong mapili na pwedeng ilogtas bakit ako pa? anong eason mo sa likod nito war hero?

yan ang mga tanong sa akin habang papunta ako sa hide out namin na pansin ko rin ilang araw nang tahimik ang gang namin ni hindi man lang pumapatol sa ibang gang na kumakalaban sa amin anong meron ngayon ba't naging tahimik si Bruce.

''ano ba Bruce, tatahimik na lang ba tayo dito? himahamon na tayo ng ibang grupo, tapos tayo andito naka tunganga?'' galit na tanong ni Ced na pinalo pa ang lamesa ni Bruce samantalang si Bruce ay bale wala lang na naka sulikob ang kanyang dalawang kamay.

''shh, wag kang atat Ced, darating din yung panahon na lalaban tayo, at tsaka malapit nang dumating.'' sabi nya sabay sanding sa kanyang upuan habang nakasulikob pa rin ang dalawang kamay.

''malapit nang dumating ang ano Bruce?'' sabi ko sabay tayo sa lumapit sa kanya.

''malalaman nyo rin sa mga susunod na araw.'' sabi nya at humalaklak nang nakakakilabot.

napabuntong hininga na lang si Ced at umalis sa pagkakahawak sa kanyang lamesa.

''I know you Bruce anong binabalak mo.'' sabi ni Ced na may ngiti na nakakangilabot din, anong ibig nilang sabihin??

''secrete.'' sabi nya at pinaikot ang kanyang upuan.

''mukhang wala naman pala akong gagawin dito eh, mabuti pang matulog na lang ako sige mauna na lang ako.'' sabi ko sabay alis sa kanilang akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang nangsalita si Bruce.

''maghanda ka lang Jas, baka ikaw ang paginitan nila, night mystic'' lumaki ang mata ko sabay tingin sa kanya, napatawa na lang ito sa akin.

''Jas wag ka nang magtaka, lahat ng gang alam na kung sino ka, kaya magingat ka dahil hindi natin alam kung sino ang papatay sa iyo, alam mo na rin siguro ang nangyayari sa mga nagiging night mystic hindi ba kaya magingat ka.'' sabi ni Bruce na may halong pag aalala ang kanyang mata, lumabas na lang ako, at bumalik sa dorm namin.

kalat na sa buong gang kung sino ako, baka isa sa mga member ng gang ang papatay sa akin.

pagkadating ko sa building ng dormitory namin may nakita akong isang tao pababa ng building namin kaya ng tago muna ako sa dilim para hindi nya ako makita nung nakaalis na siya ay umakyat na ako sino kaya yun??

pagkatapat ko sa pinto ng dorm namin may isang maliit at lumang box pinulot ko iyon at punasok sa loob ng dorm at dumeretso sa loob ng kwarto ko.

umupo ako sa may study table ko at binuksan iyon, tumambad sa akin ang dalawang litrato ang isa, ay magkasintahang nakangiti, at ang isa naman litrato ng isang pamilya na may kargang sangol.

sino ito tiningnan ko ang likod ng litrato ng isang pamilya at may nakasulat.

''Mr. Jasper Hernandez,Mrs. Maxine Hernandez and their baby, Danica Hernandez'' ang nakasulat tininganan ko ang isang litrato at katulad ng inaasahan may nakasulat rin dito.

''go to the Spring East building all the history of Spring University is there.''

spring east building? asan yun at sino si Jasper Hernandez? magkaano ano sila ni Maxine? at sino si Danica? siya kaya ang anak ni Maxine?

nagising na lang ako sa sinag ng araw nakatulog na pala ako sa study table ko hinanap ko ulit ang mga litrato at yung box, ilalagay ko na sana sa loob ng box yung mga litrato pero may nakita akong isang pamilyar na bagay sa loob non kinuha ko iyon at hindi nga ako nagkakamali ang nawawala kong amulet, na may pendant na parang doodle bulaklak na pabilog isinuot ko ito at inilagay na ulit sa loob ng box ang mga litrato.

akala ko na kung saan napunta ang amulet ko, andito lang pala? pero paano nangyari yun nawala ko yun sa labas ng Spring nung 10 years old palang ako paano na punta rito?

natigilan ako sa pagiisip ng may kumatok sa pinto ko.

''Jas?'' rinig kong sabi ni Ashly

''o bakit?'' sagot ko sabay tago sa liliit na mga aparatod sa study table ko ang box.

''kain na tayo.''

''o sige susunod na ako.'' sagot ko at narinig ko ang mga yapak pa alis ni Ashly.

naligo na ako at nagbihis pagkatapos kong magbihis lumabas na ako naabutan ko silang nabibiruan habang kumakain, umupo ako sa tabi ni Cheska at nagsimula na akong kumain, napatigil ako sa pagkain ng may bangitin si Troy.

''kilala nyo ba si Jasper Hernandez?'' tanong niya napailing na lang sila maliban sa akin.

''bakit mo naman na tanong Troy?'' tanong ni Bryce na napatigol din sa pagkain.

''kasi na rinig ko malapit na daw ang anibersaryo niya, kaya natanong ko.''

''kailan daw?'' tanong ni Ashly

''sa susunod daw na apat na buwan?''sagot ni Troy

anibersaryo? anibersaryo saan? sino ka ba talaga Jasper? ikaw ba ang ama ni Danica? asan ang anak nyo ni Maxine?

Spring University (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon