chapter 37

1.2K 47 34
                                    

chapter 37: the return of the ruler.

nasa labas pa lang ako rinig na rinig ko na ang mga christmas song na pinapatugtog sa loob ng gym.

pumasok na lang ako sa loob ng gym, pagkapasok ko maraming mga estudyante ang nagsasayawan sa gitna ng dance floor at ang iba ang umiinom ng mga alak.

dali dali kong hinanap kung saan nakapwesto sina Cheska, at agad ko naman silang natunton dali dali akong lumapit sa kanila at umupo sa bakanteng upuang nakalaan para sa akin.

pasimple kong hinanap si Yuri samga madla habang naguusap sina Cheska, pero hindi ko siya mahagilap asan kaya yung asong yun?

ibinalik ko na lang tingin ko sa kanila pero  nagulat ako sa mapangahas na tingin ni Grace.

''sinong hinahanap mo?''mapanuyang saad ni Grace, napaiwas naman ako ng yingin at na rinig ko ang mahinang paghagikhik nila.

''ah wala, wag mo nga akong tingnan ng ganyan nakakarindi anh mukha mo.''sabi ko at tinulak siya.

''ok.''sabi nya at muli sialng nag usap ni Cheska.

patuloy ko pa ring hinahanap si Yuri pero hindi ko parin siya mahagilap.

maya maya pa ay may umakyat na dalawang tao sa stage at hinulabog ang maingay, kaya lahat ay tumahimik at tumutok sa kanilang dalawa

''hello hello students, MERRY CHRISTMAS TO EACH OF ONE OF YOU.''jolly nilang sabing dalawa.

''ok, happy ba kayo?''tanong ng kapartner ni Stacey sabay tutok ng mike sa amin at sumigaw ang mga tao.

''siyempre naman partner eh ito kaya ang kauna unahang pagkakataong nagkaroon tayo ng christmas party simula nung binuksan ang Spring University.''masigasig na saad ni Stacey.

''at hindi lang yan partner ha, mamaya may surpresang ibibigay si madam Pauline sa atin.''-partner

''may ideya ka ban nun partner?''-Stacey.

''wala eh-'' hindi na namin na rinig ang mga pinagsasabi ng mga MC sa stage nang magsalita si Rex.

''wag tayong magpakasiguro sa gagawin nyang surpresa baka isa rin siya sa mga kasabwat ni Titania.''

''tama---''naputol ang sasabihin ni Troy nang may nagsalita sa likod ko kaya dahilan ng pagtingin ko.

''sorry kung naistorbo ko kayo pwede ko bang hiramin muna ang aking princesa.''malumanay nyang paghingi ng tawag kila Troy.

napangiti naman ako nung nakita ko kung sino ang nasa likod ko.

tumayo ako at inangkla ang aking kamay sa braso nya.

''excuse me guys.''paalam ko sa kanila.

''iba na talaga ka pag meron eh.''panunuya nila sa akin napatawa naman ako sa sinabi nila.

''bakit?''tanong ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa pa layo sa kanila.

''gusto ko lang maisayaw kita sa huling pagkakataon.''tiningnan nya ako at ngumiti.

napatigil naman ako sa paglalakad at inialis ang pagkakahawak sa kanyang braso, saka ko siya binigyan ng nagtatanong na tingin.

''huling pagkakataon? anong ibig mong sabihin? may nagawa ba akong mali? anong huling pagkakataon Yuri?''nalilitong tanong ko sa kanya.

anong ibig nyang sabihin?

wag naman sana, kung saan siya bumalik saka pa siya magkakaganyan.

''shhh, ang ibig kong sabihin ng huling pagkakataon kasi mamaya baka di na kita makuta sa dami ng taong magsasayaw rito, kaya sulitin na natin tong dance floor habang kumakain sila ok? so can we start it again.''pagpapaliwanag nya.

Spring University (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon