chapter 51

1K 38 16
                                    

chapter 51:Sindrovia

pagakapasok namin sumilay sa amin ang iba't ibang uri ng mga Sindrovian sa paligid.

may mga lobo pero ang tawag rito ay mierwolves may mga lumilipad lipad na mga sindrovian, suot suot ang mga malalaking pakpak sa likod.

may nakita akong mga katulad ni Aeron, mapupula ang mga mata at mapuputi pero iba iba ang kulay ng mga buhok.

may mga nakita rin akong mga sindrovian na nagtatampisaw sa tubig habang maymga buntot na parang serena at laking gulat ko na lang nang pagahon nila ay bigla silang naging mierwolve.

geez ang ganda naman ng paligid at hindi gaanon ka init rito pwera na lang sa mundo namin.

''welcome to Sindrovia.''masayang wika ni Maxine sa amin.

''geez ang ganda.''hindi makapaniwalang saad ni Rex habang pinagmamasdan ang paligid.

''Fiyera Maxine ikaw ba yan?''isang sindrovina'ng may pakpak ang dumapo sa harapan ni Maxine.

teka anong fiyera?

''ako nga.''masayang saad nya.

''mga kasama bumalik na ang mahal na fiyera.''sigaw ng isang sindrovina kaya dali daling lumapit ang mga sindrovian sa anyong tao at nag bigay ng respeto sa kanya.

''mahal na fiyera asan po ang mahal na yefra Veronica?''tanong ng isang mierwolve.

''malungkot kong ibabalitang ang mahal nyong yefra ay yumao na matagal na panahon.''malungkot na saad ni Maxine.

''pero mahal na fiyera sino na ang magiging bagong yefra? ikaw na lang po ang bukod tanging natitirang susunod na hahalili sa kaharihan ngayong matagal na panahon nang nawalay sa ating piling ang mahal mong kapatid na si fiyera Venelyn.''sagot ng isa.

teka Venelyn? tama nga ba o kapangalan lang ng aking ina?

''kung gayon malugod kong tatangapin ang katungkulang bilang bagong yefra nyo, bukas makalawa ay gaganapin natin ang paglilipat ng korona sa akin.''masiglang saad nya.

''mabuhay ang mahal na fiyera Maxine.''saad ng isa.

''MABUHAY!''sigaw nila.

at bigalang nagkaroon ng tugtugan at sayawan sa buong kalsada.

nakisayaw kami sa kanila, nang biglang naging by pair na ang sayawan.

naghanap ako pero may biglang humigit sa akin.

''ba't ka pa mag hahanap eh andito naman ako.''saad nya habang hawak hawak ang aking kamay at isinasayaw.

umalis ako sa pagkaka kapit nya sa akin nang higitin nya ako ulit at ngayon mas lumapit ang kanyang mukha sa akin kesa kanina.

''saan ka pupunta mahal kong prinsesa?''tanong nya sa akin.

''sa impyerno sasama ka?''galit na giit ko at umalis pero hawak nya ang aking isang kamay.

hinila nya iyon kaya napaikot ako sa kanya at nagkalapit muli ang aming mga mukha.

''kung maari para iligtas at makasama ka lang.''saad nya sabay kindat.

''ewan ko sa iyo.''saad ko at umikot para makaalis pero muli ay hinila nya ako at napaikot muli sa kanya.

medyo na bend ang likod ko.

''bakit masakit pa rin ba?''tanong nya sa akin.

''ano bang pinagsasabi mo?''tanong ko sa kanya sabay tayo.

Spring University (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon