Chapter 2

3.5K 84 6
                                    

Chapter 2: The Gangs

Nandito kami ngayon sa president's office kausap namin ngayon si madam Pauline. Nakita ko ang malaki at engradeng disenyo ng kanyang opisina.

''So just like what I'm saying this university is the university where death is chasing you. Where the gangs are killing each others when the clock hits 5 in the evening; the war night begins and it ends by 5 am. If you are regular don't expect that you will never be chased by death but be careful, because you didn't know who will kill you. The leaders of each gang will choose you, if you capable enough to belong in their gang. Good luck to you'' sabi nya sabay sandig sa upuan nya.

Pinalo ni Rex ang lamesa at tiningnan nya ang presidente mata sa mata. Nakita ko ang namumuong galit sa mga mata ni Rex habang nakatingin kay Madam Pauline.

''Ginagawa mo ba kaming tanga ha?'' galit nitong tanong ngunit hugikhik lamang si Madam Pauline kay Rex.

''Mr. Bernardo, dapat inisip nyo muna ang pinasok nyo bago kayo papasok sa unibersidad namin.'' Sabi ni madam na walang emosyon.

Sarkastikong tumawa si Rex sa harapan ni Madam Pauline at hindi inaalis ang matatalas nyang mga tingin rito.

''Pinagloloko mo ba ako? Kayo nga itong pumana na lang sa amin bigla, tapos kami pa iyong may kasalanan, ang galing naman Madam Pauline.'' Inalis na ni Rex ang pagkakahawak nya sa lamesa at sarkastikong pumalakpak.

''Hindi ko naiintindihan kung ano ang sinasabi mo Mr. Bernardo. Basta't ang alam namin nakatangap na lang kami ng aplication galing sa inyo kaya wag mo kaming sisihin kung bakit andito kayo ngayon.'' Mataray na saad ni Madam Pauline sa amin at iniisa isa nya kaming tiningnan. "Baka naman may isa sa inyo ang hindi umaamin, better to know your friends Mr. Bernardo." Saad nya sa amin at tinapunan ng tingin.

Kukuwelyohan sana ni Rex si madam Pauline pero niyakap na lang siya nito ni Troy upang pigilan. Nagkukumahog sa galit si Rex. Seryoso lamang nakatingin sa amin si Madam Pauline, kinililabutan ako sa babaeng ito. Ano bang meron sa paaralang ito?

''Bay tama na pigilan mo ang galit mo, baka mamaya ano pa ang gawain nila sa iyo tumigil kana, tangapin na lang natin ito at lumaban para sa mga buhay natin.'' Rinig kong bulong ni Troy sa kanya.

Tumigil sa pagkakakumahog si Rex at padabog na inalis ang pagkakayakap ni Troy sa kanya. Tiningnan nya ng masama si Madam Pauline at saka nya marahas na ibinagsak ang pinto nang lumabas siya sa silid na ito. Ito na ba talaga ang kapalaran namin? Makikipagsapalaran para sa mga buhay namin?

''Wala na ba kayong katanungan, maari na kayong lumabas.'' Walang emosyong saad ni Madam Pauline sa amin.

''Di mo na kailangang sabihin nyan, aalis kami kung gusto naming umalis.'' Matapang na sagot ni Grace.

Tumayo siya mula sa pagakakaupo nya kung kaya't agad kaming sumunod. Alam kong lahat kami ay nainis at nadismaya sa aming nalaman. Noong nakita ko pa lamang ang aking kaklase alam kong may kakaiba rito pero hindi ko alam kung ano iyo. Ngunit sa nalaman namin kanina ay hindi na ako magtataka pa. Akmang lalabas na sana kami ng biglang nag salita si madam Pauline.

''Hindi na kayo makakalabas dito, walang daan palabas dito. Tang-ga-pin nyo na-lang na hindi na kayo muli pang makakalabas dito.'' sabi nya habang binaybay nya nag salitang tangapin nyo na lang.

Napakuyom ako ng aking kamay habang nakatingin sa kanya dahil sa aking pagkainis at pagkabigo. Papaano na ang pamilya namin? Paano na ang mga buhay namin?

''Tsk, we will find a way out and you will regret it'' Mariing saad ni Troy at lumabas na kami.

Naglakad na lang kami papunta sa dormitory namin hangang sa makarating kami roon. Nang makarating kami ay agad na sinuntok ni Bryce ang pader dahil na rin sa kanyang inis at galit. Nakita kong nagulat ang mga kaibigan kong babae habang nakatingin kay Bryce na galit nag alit.

Spring University (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon