chapter 23

1.8K 45 2
                                    

chapter 23:anniversary war

namalayan ko na lang na unti unti na akong bumababa sa mga bleachers kung nasaan kami pero hindi ko matangal ang tingin ko sa babaeng may berdeng maskarang nakikipaglaban sa loob ng war zone.

nung nasa baba na ako unti unti akong lumapit sa war zone, nakikita ko rin ang galing nyang makipaglaban, asin tadong asin tado nya lahat ng kalaban.

palapit ako nang palapit nang may humila ng aking kamay at pinigilan akong lumapit doon kung nasaan si ate Coleen, na baling ang aking tingin sa taong humila sa akin, nakita ko muli ang malalim na itim na dagat sa kanyang mga mata.

''tanga ka ba o sadyang bobo? alam mo namang bawal lumapit lalapit ka pa rin.''bulyas nya sa akin.

grabe wala man lang maski hi o hello bulyas kaagad?

''ano bang pake mo ha?''mataray na taning ko sa kanya at tumingin sa ibang direksyon.

pft ano ko siya tatay? lakas makapag bulyas daig pa ang tatay ko pft.

''eh paano kung mapahamak ka ikaw ang matamaan ng mga patalim nila?''galit pa rin nyang tanong pft.

''wala akong pake.''

''pwes kung wala kang pake ako may pake sa iyo.''

''sabihin mo nga war hero ba't ka nagkaroon ng pake sa akin ha? sino ka ba sa buhay ko? ano ba kita? at sumatutal hindi tayo maglaibigan tandaan mo.''sabi kocsa kanya sabay tingin sa mga mata nyang nakakalunod.

''oo nga hindi nga tayo magkaibigan, pero ako naman ang nagsasalba ng buhay mo tuwing tatanga tanga kang makipag laban sa war night.''sabi nya sabay bitaw sa kanyang kamay na nakakapit sa magkabilang braso

''sinabi ko bang iligtas mo ako ha? diba hindi naman? at wag mo akong sasagutin ng dahil may rason, dahil banas na banas na ako sa salitang nyan kung gagamitin mo lang naman nyang salitang iyan, mas mabuting wag ka na lang mag salita at saka pwede bang bitawan mo na ako at may pinapanood pa akong laban.''mataray kong saad sa kanya.

bakit nya ako parating nililigtas? hindi ko naman inuutos na iligtas nya ako, hindi ko namang sinabi na hindi ko kayang iligtas ang aking sarili, pero bakit?

''fine kung yan ang gusto mo pero, aasa ka pa ring ililigtas kita.''mahina akong napatawa sa sinabi nya

''sus kahit wag na, at pwede tumahimik kana puro ka dakdak wala namang pupuntahan.''sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa field at buti namang tumahimik na rin ang mokong.

tiningnan ko bawat anggulo ng laban masasabi kong lahat sila ay magagaling at walang ikukumpara sa iba, lalo na ang leader ng SHW walang kupas ang haling sa paghawak nya ng kanyang kutsilyo at baril.

nagulat ako ng tinira patalikod si ate Coleen, nanlaki ang mga mata ko sa nangyari, hahakbang na ako papalapit para tulungan si ate Coleen pero may bisig na humawak sa aking tyan at pilit na pinipigilan ako.

nakita ko pagdaing nya kahit nakasuot pa rin siya ng maskara, inambangan siya ulit ng saksak sa harap, tumulo ang mga luha ko at pilit pa ring nagpupumiglas sa pagakakakulong sa kanyang bisig.

''ATE COLEEENNNNN!!!!''sigaw ko habang pinagsasaksak siya ng babaeng myembro ng SHW

natangal ang maskara ni ate Coleen nang sipain siya, napahiga ito sa feild, hinila ng babae ang buhok ni ate Coleen pero nakita ko ang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha.

''ATE LUMABAN KAAA!''sigaw ko, alam kong narinig nya pero pilit nyang magbingibingian pero bakit?

sinaksak ulit siya sa kanyang tyan, at don na ako nagpumiglas ng todo, bakit hindi ka lumaban?

Spring University (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon