chapter 42

1.1K 39 12
                                    

chapter 42: mysterious smoke

ilang linggo rin ako nag stay sa dormitory nila Bruce hangang sa gumaling ang sugat ko.

bumalik ako sa dorm namin pero wala pang tao, may pasok pa siguro sila.

dumungaw ako sa bintana ng aking kwarto, napansin ko na naman ang kuwago, bakit parati na lang siya anjan?

bakit parang iba ang kutob ko sa kuwago'ng ito? bakit parang kinikilabutan ako sa kanya?

umalis naman siya nung napansin nyang matagal na akong nakatitig sa kanya.

weird, lagi na lang siyang lumilipad tuwing nakatitig ako sa kanya.

humiga na lang ako sa kama habang nakapatong ang aking braso sa aking ulo.

ngayon saan ako magsisimula sa paghahanap kung nasaan si Titania at kung papaano ko ililigtas ang mga Sindrovian na andito?

pero mukhang huli na, dahil wala na sa akin ang susi sa pinto kaya kailangan ko na lang gawin ngayon maunahan siyang mabuksan ang pintong iyon.

walang alinlangan akong bumangon sa pagkakahiga ko at walang atubiling lumabas ng dorm namin at pumunta sa spring east building.

habang naglalakad ako pakiramdam ko may nakamasid sa akin kaya lumingon ako sa likod at nakita ulit ang kuwago'ng nakasunod sa akin.

hinayaan ko na lang siya, mukhang gusto nya lang sigurong sumunod, hinayaan ko na lang siya.

nagpatuloy ako sa pagtakbo hangang sa makarating ako sa tapat ng building.

napalingon ako nang mapansin kong hindi ko na naririnig ang pagtunog ng pakpak ng kuwago.

nakita kong dumapo siya sa may sanga ng puno.

''jan ka lang ha papasok lang ako.''bulong ko sa kanya, na alam ko namang nahmumukha lang akong tanga na kinakausap ko siya.

pumasok na ako sa loob ng building.

pagpasok ko bumungad sa akin ang isang malaking chandelier sa gitna at nahahati sa tatlong lagusan.

ngayon nakita ko na ang kabuuang ganda ng nito dumeretso ako sa gitna at bumungad sa akin sa di kalayuan ang hagdan.

habang papunta ako nakita ko ang mga litratong naka plastar sa mga dingding.

unti unti akong umakyat papunta sa ikalawang palapag ng gusaling ito.

pagkaakyat ko sa ikalawang palapag pumasok ako muli sa kwarto kung saan nakalaan lamang para kay Jasper.

naglakad ako papasok sa loob ng silid habang ang kamay ko nakahawak sa dingding at ang mga mata ko nakatingin rin sa parte ng dingding na hinhawakan ko na tila huling pagkakataon lo na itong makikita.

hindi ko namalayan habang naglalakad ako may nabanga akong isang lamesa at munyikan ko nang mabasag ang piguring nasa taas nito at buti nga't nasalo ko ito.

pagkaangat ko para ibalik sana sa dating puwesto ang pigurin nang mapansin ko ang isang maliit na bilog na sadyang naka guhit doon.

ibinaba ko ang pigurin sa ligtas na lugar at tiningnan ko ang bilog at hindi ko rin ma wari kung bakit ko hinawakan at napaatras ako ng bahagya nang biglang yumanig ang mga libro sa mga lalagyan nito.

may narinig akong mga yapak ng paa'ng papalapit sa silid at hindi ko alam kung san ako pupunta, napalingon ako sa likod ko nang makita kong nahati sa gitna ang mga lalagyanan ng mga aklat.

dali dali akong tumakbo papasok roon at naramdaman ko na lang na bumababa na ako sa hagdan.

habang pababa ako may naririnig pa rin akong mga yapak ng paang sumusunod sa akin kaya binilisan ko ang pagtakbo ko at wala na akong panahong lingunin pa ang taong iyon.

Spring University (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon