chapter 45

1.2K 31 1
                                    

chapter 45:hilo

Jasmin's POV

naglalakad ako paakyat sa classroom ko habang hawak hawak ko pa rin ang notebook ni Rex.

paano kung ganon ang mangyayari sa kanila?

hindi maayim ng konsyensya kong makita silang nakabigti at nakakalat lang ang kanilang bangkay, asan na ba kayo?

pahkarating ko sa classroom umupo ako sa desk ko at nakatunganga lang ako sa may bintana hangang sa matapos ang klase ko para sa hapon.

tumayo ako kaagad nang maguwian na, napahawak ako sa lamesa ko nang biglang umikot ang paligid, naramdaman kong may umalalay sa balikat ko.

''Jas, ayos ka lang?''tanong ng pamilyar na boses.

''oo ayos lang ako, bitawan mo na ako.''sagit ko at tinangal ko ang pagkakahawak nya sa akin at naglakad na ako papalayo sa kanya.

medyo nahihilo pa ako pero hindi ko pinahalatang nahihilo ako, tumindig ako ng maayos at naglakad ng maayos para hindi nya man lang ako mahalata.

''mukhang hindi ka ok, dadalhin kita sa clinic.''saad nya at saka hinawakan nya ang aking braso saka nya ako iniharap sa kanya.

''pwede ba tantanan mo na ako, wala na tayo kaya wag kang magpakita ng motibo dahil tapos na ang namamagitan sa ating dalawa.''matinding saad ko sa kanya at ibinagsak ko na ang aking kamay para makawala sa pagkakahawak nya.

lalagpasan ko na sana siya nang bigla siyang humirit, napaharap ako kaagad sa kanya.

''hindi naman---''pinutol ko kaagad ang sasabihin nya.

''wag ka nang humirit pa hindi ko kailangan ang pagpapaliwanag po, thank you nga pala at paalam.''saad ko at nilagpasan ko na siya.

dahan dahan akong nagbaba sa hagdan dahil umiikot ang mundo ko nang hindi ko alam ang dahilan.

pagkababa ko naglakad na ako pauwi ng dorm.

sa kalagitnaan, nakaramdam ako ng matinding pananakit ng ulo ko at dumodoble na ang aking paningin sa paligid.

naramdaman ko nalang na dumilim ang aking paligid at biglang bumigay ang aking katawan, may naramdaman akong sumalo sa akin.

at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

napagising ako sa isang sigaw pero anjan pa rin ang pananakit ng aking ulo.

napatingin ako sa kamay kong nakatali sa likuran ko.

nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng cloak na itim at suot suot nya ang hood kaya himdi ko maaninag ang kanyang mukha.

napatingin ako sa harapan ko at ganon na lang nanlaki ang aking mga mata.

hindi ba't patay na siya? pero papaanong.

''missed me?''tanong nya at umalingaw ngaw ang kanyang tawa sa buong silid.

''paano?''walang emosyong tanong ko sa kanya.

napabaling ang kanyang atensyon sa akin.

''gising kana pala, wanna goin your friends?''kinilabutan ako sa kanyang saad.

tiningnan ko nag mga kaibigan kong unti unti nang nagkakaroon ng malay, pero ang nagpabuo ng aking galit ng makita ko si Grace na nakahandusay sa sahig.

''hayop ka! paano mo nagawa to sa amin, tinuring ka namin na kaibigan pero bakit mo ito ginagawa sa amin?''sigaw ko sa kanya at nagpumiglas ako pero pinigilan ako ng babaeng tinawag nyang Ms.

Spring University (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon