Chapter 1

167 4 0
                                    

Fawn's POV

"Damon! Ano ba?! Kanina ka pang bata ka ha! Papaluin kita sa pwet!"
Ang magaling kong kapatid, hindi pa din ako pinagbubuksan ng pinto. Aba! Malelate na ako sa trabaho ko noh!

"Oo ate! Mag-antay ka!"
Sigaw nya mula sa loob.

"Aba't dalian mo! Nasasayang oras ko sayo!!"
Mukha na akong timang kakasigaw dito. The neighbors wouldn't mind.. Natural lang 'to dito.

Ilang minuto pa at hindi pa nabubuksan ang pinto. Nako! Iniinis ako ng batang 'to!

Isinuksok ko ang kamay ko sa bintana para ma abot ang seradora sa kabila.

*click*

Mabuti naman at nabuksan na.

Pumunta ako sa nag-iisang kwarto ng bahay.

"Hoy Damon. Bakit hindi mo ako pinagbinuksan ha? Nako bata ka!"
Nakapamewang ako sa harap nya. Nasa maliit syang lamesa sa kwarto.

"Ate... Kaya mo namang buksan yun eh."
Sabi nya at inayos ang salamin nya. Medyo malabo kasi ang mata nya. Bumalik ang tingin nya sa libro.

Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya.

"Ano Yan? "
Tanong ko...

"Chemistry po... "
Sagot nya na di inaalis ang mata sa librong binabasa nya.

"Edi ba grade 7 ka pa lang? Meron na kayo nun? Ang alam ko sa grade 9 pa Yan ah.. "

"Ahm.. Ate, Ipanglalaban po kasi ako bukas sa Quiz Bee sa school.."
Nanlaki ang mata ko.

"WAAAHH! Ang talino talaga ng baby brother ko!! "
At niyakap ko sya.

"Ahh! Ate!! Ano ba?"
Arte naman ng kapatid ko. Pero mahal ko Yan.

"Damon, aral ka mabuti ha? Para pagnakatapos ka, makakapagtrabaho ka ng maganda. Para hindi ka na mahirapan... "
Sabi ko habang yakap ko sya.

"Oo ate. Para pag may pera na ako, hindi ka na magtatrabaho.. Gusto ko mabilhan kita ng malaking bahay. ... "
Sabi nya na tumingin saken at yumakap din.

Kumawala ang isang butil ng luha sa mata ko.

"Stop crying ate. Hindi ka pa naman kagandahan... "
Sabi ng kapatid ko. Natawa ako. Pinahid ko ang luha sa mata ko at humiwalay sa kanya.

"Kumain ka muna dun... Papalit lang ako ng damit.. Ubusin mo yun ha?"
Sabi ko sa kapatid ko.

"Di mo ako sasabayan?"

"Trabaho pa si ate eh... Dali na. Kain ka na dun."
Past 7pm na rin naman.

"Ate... Puro ka trabaho ah. Di ka na nagpapahinga."
Tah mo. Parang matanda 'to.

"I have to. Just go to sleep after mo magreview ha?"
Nakita kong sasagot pa sana sya kaya tumalikod na ako sa kanya. Narinig ko ang yabag nya palabas.

Naluluha na naman ako. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Syempre napapagod din ako. Pero kailangan kong magtrabaho para sa kanya.

"Cut this crap Fawn... As if naman may tutulong sa inyo... "
Oo... Wala na.. Kami na lang dalawa ng kapatid ko.

Nagpalit na ako ng damit at lumabas ng kwarto.

"Lock mo lahat ng pinto ah? Patayin mo lahat ng ilaw pagmatutulog kana."
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang ulo nya.

"Ingat ka po ate.."
He said smiling at me. Those smile. It keeps me going everytime I feel hopeless.

Ginulo ko ang buhok nya at lumabas. I feel so tired. Every part of my body is aching.

Naglakad na ako. Mabuti na lang kasi wala masyadong bastos na tambay samen. Sa apat na taon na namin dito, nakaclose na namin mga tao dito.

"Pun, aalis ka ulit?"
Si Aling Dolores. May-ari ng tindahan sa labasan. Di man lang mapronounce ng mabuti pangalan ko.

"Oho .. Trabaho po eh."
Sabi ko at ngumiti.

"Fawn! Pagmay nangbastos sayo, sabihin mo lang samen ha? Kami reresbak!"
Si kuya Tan. Nag-iinuman sa tindahan ni Aling Dolores.

"Asus kuya... Yakang-yaka ko yun! "
Sabi ko at pinakita pa ang muscles ko kuno sa braso. Natawa na lang sila.

"Kami na bahala sa kapatid mo. Ingat ka dyan ha?"
Si kuya Alex. Barkada ni kuya Tan.

"Opo.. "
Sabi ko at naglakad ulit. Mga kapitbahay ko sila. OK naman sila eh. Parang maliit na village kasi to. Buti na lang medyo mura ang apartment.

Paglabas ko sa gate, naglakad pa ako ng ilang metro. Di naman pwedeng lakarin ko lang kasi malelate ako.

Ilang minuto din ay dumating ako ng sakayan. Sumakay ako ng jeep na nag-aantay mapuno.



Kakarating ko lang dito sa Angel's Palace. Bar ng mga mayayaman. Waitress ako dito. Pag umaga naman, sa isang fast-food chain ako nagtatrabaho. Waitress pa din.

8:00am-6:00pm sa fast-food chain
8:00pm-4am sa Angel's Palace.

Bale every Sunday, wala akong trabaho. Dun na lang ako bumabawi ng tulog.

My name is Fawn Riva Calypso. 22 na ako... Highschool lang natapos ko dahil namatay si mama. Hindi nya nakayanan ang sobrang pagod. 18 pa lang ako nun at 9 year old naman si Damon Revere na ngayon ay magte-thirteen.

Yung magaling na tatay namin, iniwan nya kami nung baby pa lang si Damon. Dahil sa dakilang matapobre ang magulang nya, pinapili sya kung kami o yung mamanahin nya. At dahil sa walang hiya sya, tinalikuran nya kami para sa yaman. Akala ko pa naman mahal nya kami. We have everything. But now? We're nothing but a rug. But the hell I care. Aalagaan ko ang kapatid ko. Pagnakabangon kami, papamukha ko sa kanya na kinaya namin na wala ang yaman nya. Dala dala parin namin ang apelyedo nya. Wala kaming magawa kundi gamitin yun. Kung mura lang magpalit eh. Ginawa ko na.

Huminto ang jeep. This is my stop. Binigay ko ang 7 pesos na hirap na hirap akong gastusin at bumaba.

There it is... Angel's Palace...

I went inside and started my work.

----

Little Did He KnowWhere stories live. Discover now