Chapter 11

74 2 11
                                    

Fawn's POV

Nagpupunas ako ng sahig nang biglang bumukas ang maindoor at iniluwa nun ang isang tao.

"I'm hommmeeee!!"
Rinig kong sigaw nya. Ang lawak ng ngiti sa labi nya.

Wait... Sir Zale?? Teka teka.. Mahaba ang buhok. Sexy manamit. 4 inches ang takong ng sapatos. Nakamake-up...

"Wait... Who are you?"
Tanong nya nang makita ako.

"Ah... Eh... Fa~"

"Hi!!! I'm Zonny Corrine Waldron..."
Ooookay? Hindi din sya bastos.

"Anong meron?"
Napatingin kami sa kapatid kong kakalabas lang ng kwarto.

Nakita kong nanlaki ang mata ng babaeng kamukha ni Sir Zale. Tiningnan nya ako tapos si Damon tapos balik saken tapos kay Damon. Now she's acting weird.

"Sister!! "
Sigaw nya at tumakbo saken at niyakap ako. At dahil matangkad sya, napasubsob ang mukha ko sa Boobs nya.

Feeling ko mawawalan ako ng hangin sa higpit ng yakap nya plus nakabaon ang mukha ko sa gitna ng dibdib nya.

"A-air.. Ekkkk~"
Konteng konte na lang talaga mahihimatay na ako.

"Oh! Sorry..."
At sa wakas ay bumitaw sya.

Habol ko naman ang hininga ko. Tinitigan ko ng masama ang dibdib nya. Bakit ba kasi ganyan ka laki yan? Napahawak ako sa dibdib ko. At bakit parang flat na gulong yung aken? Asan ang hustisya?

"I'm Zale's twin sister!"
And that explains everything.

Tiningnan ko mukha nya. Kahit galit ako sa dibdib nya, di naman pwedeng makipagtitigan ako dun.

"Fawn Riva Calypso po..."
Lumapit sakin si Damon.

"This is Damon... And I'm ~"

"Zonny?"
And I was cut off by Sir Zale behind miss Zonny's back.

"Oh! Hi brotha'!  Surprise!!"
At niyakap nya si Sir Zale. Nakita ko ang masayang mukha ni Sir Zale.

"Bakit di mo sinabi na uuwi ka? I should have fetched you at the airport..."
Nang makapaghiwalay na sila sa yakap.

Tahimik lang kami ni Damon na nakatingin sa dalawa. Tanghaling tapat, tapos umuwi sya? Sa office sya naglalunch eh.

"Duh... Anong parte ng word na 'surprise' ang hindi mo maintindihan?"
Natawa ako nang binatukan nya pa si Sir Zale.

"Hey! That hurts!"
Reklamo naman nito. Nakakatawa silang tingnan. Halatang sobrang close nilang magkapatid.

"By the way... This is~"

"Fawn and Damon..."
Hobby na ata nila ang pag-interfere sa nagsasalita ha? Magkambal nga.

"Zale! I'm mad at you..."
She said stumping her feet and look in the different direction. Parang batang nagtatampo.

"And why?"
Nakakunot ang noo ni Sir Zale ngayon.

Di ko alam kung aalis na ba kami dito ni Damon o ano. Parang ang ambastos naman na nakikinig kami sa usapan nila.

Sinenyasan ko si Damon na umalis kami. Kaso nakakaisang hakbang palang kami paatras ng pigilan nya kami, "Hold it you two..."si Miss Zonny na nanliliit pa ang matang nakatingin sa amin.

"Zale... We're twins, right? We don't hide secrets between the two of us. Wala naman akong natatandaang ginawa kong mali para ilihim mo saken ito... Bakit di mo sinabi na---", nangunot lalo ang noo ni Sir Zale. Bumuga ng hangin si miss Zonny bago nagpatuloy. "Na may asawa ka na pala at anak. I'm so dissa~"
And again... She was cut off by her twin burst out laughing.

"Hey! Why are you laughing? Do you think this is funny?!"
Inis na napapadyak si Miss Zonny. Nanlaki ang mata ko ng magsink in saken ang sinabi nya.

"Nako Miss! Mali p~"

Ano pa bang bago?

"What makes you think of that? Hindi sya ang tipo ng babaeng gusto ko. She's not my wife. She's my maid. And that kid beside her is her brother."
Pinahid pa nya ang luha sa gilid ng mata nya. Di ko alam kung matutuwa akong nakikita syang tumawa o maiinis sa sinabi nya. Aba! So hindi ako ang pang-wife material ganun ba?

"Ha? Akala ko ka~"And yes your right. Naputol na naman ang sasabihin nya.

"Silly..."ginulo kasi ni Sir Zale ang buhok nya which makes her pinch Sir Zale's arm. Napa-aray si Sir Zale pero tumatawa pa rin.

"I hate it when you do that!"
Sabi ni Miss Zonny na inaayos ang buhok nyang bahagyang nagulo.

"Cook us a lunch. Dito na kami kakain..."
At sa wakas ay napansin din nya ang presence ko.

Tumango ako at dinampot ang mga ginamit ko sa paglilinis.

"Ate... Pasok na po ako ha? Sa school na lang ako maglalunch. May ipapasa pa ako sa prof ko..."
At ngayon ko lang din napansin na nakauniform ang kapatid ko. Ang gwapo nya talaga sa suot nyang uniform. Longsleeves na white sa loob tapos napapatungan ng itim na suit. Red ang neck tie. Tapos itim din ang pants nya then blackshoes. Sa uniform palang, alam mo nang maganda ang eskwelahan na pinapasukan nya.

Tumango ako sa kanya at umalis. Narinig kong nagpaalam sya kay Sir Zale. Nilagay ko na ang mga gamit sa panglinis na hawak ko sa basement at dumiretso sa kusina. Kahapon lang kami naggrocery kaya pwede kong damihan ang luto ko.

---

"God this is delicious! You're a good cook!"
Puna ni Miss Zale sa luto ko. Kasalukuyan akong nagsasalin ng juice sa baso nya.

"Thank you po Miss..."
Sabi ko at bahagya pang yumuko.

"Quit with the formality. Call me Zonny."
Bumalik ako sa kinatatayuan ko. Ang kapal naman ng mukha ko kung sasabay pa akong kumain sa kanila.

"Sorry Ma'am... Pero katulong po ako. Either way, I should pay respect to you. Amo ko po kayo."
Sabi ko at tipid na ngumiti.

"Hmm... Actually, my brother is the one paying you, right?" I nod. Di ko alam saan tutungo ang usapang ito. Tahimik lang na kumakain si Sir Zale at kabaliktaran naman ang ginagawa ni Miss Zonny. "Then hindi mo ako amo. Zonny... Call me that way. I'm sure my brother here *glance at Sir Zale* wouldn't mind..."
She smiled sweetly.

"Tsk... Whatever..."
Sabi lang nito. And here I thought Masungit Off muna sya ngayon.

"Great! I'm full... Thanks for the meal!"
She said and stood up.

"And Zale, I'm going to Angel's later. Wanna come?"

"Do I even have a choice?"
Nakakunot ang noo ni Sir Zale na tumayo. Tapos na din siguro.

"Yes you do have. Sasama ka o sasama ka..."
Ganda ng choices nya. Hahahaha. Walang palag.

"Fine..."
Sabi lang nito at umalis.

"Fawn, right? Sasama ka din."

"But~"

"I won't take no as an answer..."
I sigh in defeat. And just like that, napaoo ako. Amo ko pa din sya dahil kapatid sya ng nagpapasweldo sakin so basically, I have to obey her commands too.

Magsisilbi ako sa magkambal na magkaiba ang ugali. The silent one and the hyper one.

----

Little Did He KnowWhere stories live. Discover now