Fawn's POV
"Ate... Gising na... "
Sino ba tong istorbo na 'to? Kitang natutulog yung tao eh."Uy... May trabaho ka pa diba? Magse-seven thirty na... "
7:30???Napadilat ako."Aaaaaahhh!!! Shemay!!! Malelate na ako!! "
At nagpanic na ako. Yung twalya!!! Nako naman!"Una na ako ate... Malelate na din ako sa school..."
Sabi ng kapatid kong bihis na bihis.Napatigil ako sa pagpapanic. Nilapitan ko at niyakap.
"Goodluck sa quiz Bee ha? Ipanalo mo... "
Sabi ko at hinalikan ang cheeks nya."Yuck!! Di ka pa nagmumumog!!!!"
At pilit nilalayo ang mukha mo."Ano ka ba! Nilalambing ka lang ni ate eh... "
Sabi ko at ginulo ang buhok nya. He hissed and fix his messy hair."Alis na ako! Late ka na!! "
Sabi nya at umalis sa harap ko.Waaaahhhh!!! Late na nga pala ako!! Nagmadali akong maligo.
Naman ehhh! Asan na yung bra ko?!!! Ah ayun sa kama! Sinuot ko na at nagmadaling isinuot ang T-shirt at pantalon. Ay tange!! Nakalimutan ko magsuot ng panty!! Ugh!!! Hinubad ko ang pantalon at isinuot ang panty ko saka sinuot yung pantalon. Sinuklay ko ang buhok at nagmadaling magtoothbrush.
Naku naku! 7:52 na!! Mag-aantay pa ako ng jeep!
Nilock ko na ang pinto at nagmadaling tumakbo papuntang sakayan.
Waaahhh!!! Bakit puno na ang jeep?!!
Wala ng ibang paraan! Madami pa naman nag-aabang.
"Kuya, usog ka onte... "
Sabi ko sa lalaking nakasabit. Ayun.. Umusog naman. Kaya sumabit na din ako. Wala talaga akong panahon mag-inarte dahil malelate na ako at ayaw kong masesante!! Apat na beses na akong nalate sa trabaho at pagnalate pa ako ngayon, sisante na ako...."Manong driver!! Puno na!!! Lumarga ka na! "
Sigaw ko sa driver na nakatayo sa gilid ng jeep. Nagtatawag pa ng pasahero eh puno na sa loob.Napapatingin na lang mga tao saken. E ano kung babae ako? Pwede naman ako sumabit noh!
At sa wakas, lumarga na nga ang sasakyan.
How I wish na bumilis ang takbo ng jeep. Or better yet, lipad na lang.
Darn it! 8:06 na oh. 15 minutes ang byahe. Plus pa laging may bumababa kada kanto. Bakit kaya di nalang sila bumaba lahat para isahan?
"Waaaaahh!!! Nandito na ako! Kuya!!! Pakibigay ng pamasahe! Salamat!!! "
At ibinigay ko sa lalaking nakaupo sa loob ang pamasahe ko. Bumaba ako at nagmadaling pumunta sa Jacky's. Sana wala pa si boss... Maawa na kayo Lord.Nagmadali akong pumunta sa likod ng building kasi dun dumadaan ang mga workers dito.
"And you're 30 minutes late Ms. Calypso and I don't care about your excuse right now..."
He handed me an envelope. Ganito talaga bubungad saken?"Huli mong sahod... You're fired... "
Para akong nabingi. Ano daw? I-I'm fired?"Sir... Baka po pwe~"
Hinarang nya ang kamay nya. Nakatingin lang sa akin ang ibang kasamahan ko. Tinging awa."Umalis ka na..."
Naluluha na ako."Sir... Please... Hi-hindi na po mauulit.. "
"I gave you many chances already Ms. Calypso... I'm sorry.. Business is business..."
At tumalikod na sya.
YOU ARE READING
Little Did He Know
RomanceFawn Riva Calypso is a poor girl with nothing but her brother. She met this guy named Zale Caliber Waldron. Mayaman, gwapo pero masungit. He asked her to be her maid. Para sa kapatid nya, tinanggap nya ito. A clumsy lady and a cold man under same...