Fawn's POV
Nagising ako ng lagpas ala'sinco. I hurriedly got up and took a shower. Tulog pa si Damon.
Lumabas ako after makapagbihis. May malaking aquarium na nagseseparate ng livingroom and dining room. Ganda ha? Tapos Malaki din ang flat-screen tv na nandito. So yung kitchen, nakaconnect lang sa dining. Hilig ko ang magluto kaya naexcite akong makita yung iba't ibang gamit sa kusina. Naghalungkat ako sa fridge kung anong pwedeng lutuin. May malaking fridge dito. Apat ang pinto. Binuksan ko ang dalawang pinto. Mga beverage pala and mga sweets. Sinarado ko tapos binuksan ko ulit sa kabila. Ayun... May mga gulay and frozen meats.
Malapit na palang magsix. Binuksan ko mga cabinet sa ilalim ng malaking table na nagseseparate ng kitchen and dining.
Nagsaing ako ng kanin sa rice cooker. Tapos kinuha ko ang frozen chicken sa fridge at nag-umpisang magluto.
----
Zale's POV
I park my car sa garage. 6:37 na pala. I got my way to the living room. May naamoy akong mabango. Sinundan ko ang amoy. Sa kitchen pala. I saw her cooking something.
She saw me but I didn't utter a single word and refused to show any emotion.
"Good evening sir. Peprepare ko na po dinner nyo."
She said.Tumango lang ako. "I'll be down in a minute."
Pumunta na akong kwarto sa taas. Parang naexcite akong matikman luto nya. Naligo ako at nagbihis na ng pambahay. Of course suot ko din salamin ko. Masakit kasi mata ko pagtinatanggal ko. Pwede naman ako mag contact lens pero mas gusto ko to. Nagmadali akong bumaba.
"What's with the rush Zale? "
I murmured to myself. Para namang tatakbuhan ako ng pagkain eh.Nakahanda na sa mesa ang dinner. Umupo ako. Pang walohan kasi ang dining table. Tapos may upuan sa magkabilang dulo and I occupied one of it.
Nakatayo lang sya sa gilid.
I always eat alone in this house. Pagdumadating ang sister ko dito sa Pinas, mas gusto nya dito magstay kesa sa mansion. She's my twin sister and have a shop in Paris. She loves making dress. Well-known Fashion designer sya doon.
"Kumain na ba kayo?"
Malamig na tanong ko sa kanya."Mamaya na po pagnakatapos kayo sir..."
She's way too formal."Call your brother. Sabayan nyo ako... "
I told her. Naaamoy ko pa din ang adobo. Can't wait to taste it."Sige po Sir... "
At umalis na sya. A minute later, dumating na sila. Her brother greeted me. I gestured them to seat. Kumuha ng eating utensils nila si... Teka... Ano nga ulit pangalan ng babaeng ito?"What's your full name?"
I asked her nang makaupo na sya. Kumuha ako ng kanin at nilagay sa plato ko. Di naman ako lumpo para iutos pa yun sakanya."Fawn Riva Calypso po Sir.. "
She said looking at my eye. Is she not intimidated? Napapansin ko kasi, sa lahat ng taong nakakausap ko, sya lang ang tumititig sa mata ko. Even my friends can't stand my gaze."What do your friends call you?"
Para alam ko pano sya iaddress."Fawn po tawag nila saken... "
Sabi nya. Sumubo ako ng kanin at nung sliced part nung manok. I know she's staring at me on what will I react after tasting her dish. To be honest, masarap... It reminds me of someone... It reminded me of my mom. She used to cook us this kind of dish. But of course, di ako nagpakita ng emosyon."If that's the case, I'll call you Riva... "
I saw she narrow her brows with a questioning look. But I focused my gaze on eating."You, kid.. What's your name?"
Huminto sya sa pagkain at inayos ng bahagya ang salamin. Sumubo ako ulit and waiting for his answer. Nakaupo sya sa kanan ko tapos katabi nya si Riva."Damon po... "
Sabi nya at bumalik sa pagkain."I heard you won the quiz Bee Championship? Your opponents are from the other prestigious schools?"
"Yes Sir..."
Tumango tango ako. Matalino sya. No wonder he passed the entrance exam at my school. I did some background research. Naniniguro lang naman ako."Malapit na ang closing nyo. I heard some good compliments about you mula sa teachers. Tell me, what subjects do you like the most?"
Parang first time ko makipag-usap na kumakain ako sa bahay na ito. I haven't really had a visitor since I moved here."Math po. Lalo na yung calculus... Physics din.."
Sagot nya. I don't know but I feel comfortable talking."That's great..."
I just said and finished my meal."What's great about that subject?"
I heard Riva mumble to herself but I heard it."You know how to play chess?"
Ignoring Riva's disagreeing look."Opo... Naglaro ako nung intramural..."
"Say we play sometime?"
I missed playing chess. Last time I played was in my college days. I always drag my sister to play with me but I ended up teaching her over and over until I got tired."Sige po... "
And I stood up."Riva, I want you to wake me up at 8am tomorrow... "
I said blankly before I turned my back at them. Ayoko ng alarm clock. Nasisira ko lang lagi. Nakakarindi kasi. Atleast pag tao di ko pwedeng ibalibag.----
Fawn's POV
Heck!! Ano ba maganda sa calculus? Nako!! Muntik na akong di makagraduate jan nung highschool eh! Alam nyo ba yung pagnagdidiscuss yung teacher, kuhang kuha nyo? Tapos pagnag-exam, kahit halughugin mo at pagbalikbaliktarin mo utak mo, di mo mahanap yung sagot.
Tapos pagnakikinig ka taz nagtanong teacher at alam na alam mo ang sagot, humahaba leeg mo at ang tapang mong makipagtitigan tapos hindi ka naman tatawagin para sumagot.
And worst, pag nagtanong sya sa klase tapos ikaw di mo alam ang sagot, parang bumabaon ang ulo mo sa katawan mo kakatago or kunyare nagsosolve ka tapos puro doodles lang ang ending na ginagawa mo and he/she ended up calling your name.
Is it just me or the teachers are really bully?
Nakikinig lang ako sa usapan nila. Akala ko nung tinanong nya pangalan ko, umpisa na ng magandang usapan namin. Pero parang mas interesado pa sya sa kapatid ko.
And guess what? What's fun about chess? Sino kaya nag-imbento nun? Ilang oras igugugol mo para sa isang tira lang! And ano bae? Bakit di nya ako pinapansin?
OP talaga ako eh...
But wait... He looked at me.
"Riva, I want you to wake me up at 8am tomorrow... "
Toink... Alarm clock ang peg ko.
"Oh ano ate? Okay ka lang? Mukha kang nalugi Jan.. "
Nako Edward.. Kung alam mo lang.Yung feeling na parang hangin ka lang. Haysh... Tapos tapos... Yung niluto ko, wala man lang sya sinabi. Masarap naman ah
"hay naku... Bahala ka nga jan.. "
Hala? Pati kapatid ko, iniwan ako.Charing lang. OA talaga ako minsan.
Kahit naman malamig pakikitungo saken ni Sir Zale, thankful pa din ako sa kanya. Pero masungit talaga eh
Ah! Makapagligpit na nga!
Maaga pa kong gigising para pagsilbihan ang amo ko.
----
YOU ARE READING
Little Did He Know
RomanceFawn Riva Calypso is a poor girl with nothing but her brother. She met this guy named Zale Caliber Waldron. Mayaman, gwapo pero masungit. He asked her to be her maid. Para sa kapatid nya, tinanggap nya ito. A clumsy lady and a cold man under same...