Chapter 10

64 1 0
                                    

Zale's POV

Why the hell am I in this place?!!

"Sir... Pwede ka pong bumaba..."
Tiningnan ko ang paligid. Natatakot akong lumabas ng kotse kasi baka makapitan ako ng samu't saring sakit. Mukha pa namang hindi naliligo mga tao dito.

Nilingon ko ang pinto sa gilid ko at tiningnan si Fawn na nakatayo dun at inip na inip. I closed the windshield.

She knocked...

She mouthed, "Labas na jan. "

I shook my head. Nakikita ko ang siksikang tao sa lugar na ito.

I lowered the windshield.

"Dapat sa supermarket ka na lang bumili!"
I told her. Look at this place!! Ang dumi!

"Naghahanap ako ng ingredients para sa dinner natin Sir... "
She said with her hands on her hips.

Bakit ko pa sya sinamahan? Umuwi lang kami kanina para iuwi ang ibang pinamili. Sabi nya mamamalengke sya. Kaya pala kakaramput lang ang pinamili namin sa supermarket.

"Mag-antay ka na lang jan Sir. Ako na bahalang mamili... "
Sabi nya at nag-umpisang maglakad.

I saw a group of boys na ang lagkit makatingin kay Fawn. May pasipol sipol pa. Mga nagtitinda ng streetfoods lang naman.

Nilapitan sya nung isang lalake. Bigla na lang kumilos ang katawan ko at hindi nagdalawang isip na lumabas sa kotse at lapitan sila.

"Manghihingi lang ng number miss."
Rinig ko pang sabi nung lalake. Sa tansya ko, around 30's to. Mukha pa namang manyak.

"Sige po."
Aba! At ibibigay nya talaga?

"0909-... " nagsimulang magtipa ang lalake sa keypad ng cp nya,"Ikaw na po bahala sa pito. Ayan... Binigyan ko na kayo ng number ko kaya lubayan nyo na ako bago ko pa kayo masapak."
Inis nyang sabi sa lalake. Napakamot na lang sa batok nya ang lalake at nahihiyang umalis.

Natatawa ako sa ginawa nya. Akala ko talaga ibibigay nya.

"That was cool... "
Sabi ko nang mapantayan ko ang paglalakad nya. "Ay pikachu!" napatalon sya onte at humarap sakin na nakahawak sa dibdib.

"Aatakihin ako sayo Sir! Bigla bigla na lang sumusulpot... "
Sabi nya ng makabawi sa gulat. Pinigil kong mapangiti sa reaksyon nya. Ang cute kasi ng mukha nya pagnagugulat.

"Ayaw ko lang mainip kakaantay sayo..."
I reasoned out kahit sya naman talaga ang rason bakit ako napalabas ng di oras.

Iniikot ko ang paningin ko sa buong lugar. So this is the market place huh? Nakakadiri nga lang kasi andaming mga dugo ng karne at mga butcher na nagtatawag ng costumer na puno din ng dugo ng karneng kinakatay ang apron nya.

"Safe ba mga pagkain dito?"
I asked out of curiosity. Tumingin sya saken. Not that I'm not familiar with this place. I know this exist but I never went to this kind of place. Usually sa supermarket ako namimili and always sa labas ako bumibili ng makakain.

"Oo naman. Hindi naman sila bibigyan ng permit kung nakakamatay ang tinda nila... "
I mentally nod. Tama nga naman.

Huminto sya sa isang stand ng gulay.

"Suki! Ano kailangan mo?"
Makatawag ng suki. Kakakita lang naman.

"Magkano po yung isang bugkos ng petchay?"

"Sampong piso hija."
Ten pesos? That cheap?

Pumili si Fawn at nilagay sa bayong na dala nya. Di ko napansin yun ha? Meron namang plastic bags ang mga nagtitinda dito.

Marami rami din ang pinili nyang gulay.

"Magkano po lahat?"
She asked. It's 215 pesos actually. I kinda mentally calculated it. Boba ba talaga ang babaeng ito at nagtanong pa?

"215 hija... "
See? Si manang ginamitan pa ng calculator.

"Pwede po 200 na lang?"
Ha? Anong ginagawa nya?

"Nako hija. Mahal na ang mga bilihin ngayon... "
The lady said.

"Next time po na mamamalengke ako, dito ulit ako bibili... Promise po."
Napailing ang babae.

"Sige na nga... "
And she agreed? Pwede ba yun?

"Yehey! Salamat po!"
She said and handed the 200 peso bill.

"I just want to ask something... Bakit ka pa nagdala nyan? May mga plastic bags naman dito ah. And mahina ka ba sa calculations at di mo agad na sum up yun? "di ko mapigilan pagiging curious ko eh.

"Plastic can destroy our Environment. Siguro aware ka naman dun. As much as possible, hindi ako gumagamit ng plastic bags. Naging Girl Scout kasi ako from Elementary to Highschool and we kinda respect nature. And to ask your second question, alam kong yun na talaga ang amount. Gusto ko lang ipakita sa tindera na I trust her kaya di ko sya pinangunahan. Ang bastos naman kung bigla bigla ko na lang sabihin kung magkano lahat."
Sabi nya na nakatingin pa din sa daan at ngumiti. May heart skip a bit. Hindi ko mapigilang mapatitig. Ipinilig ko ang ulo ko.

Huminto sya sa harap ng isang stand ng isda.

"Miss! Fresh pa yan... Kanina lang dumating... "
Sabi nung lalakeng nagtitinda.

Nakipagtitigan si Fawn sa isda. Seriously?! What's wrong with her? It's not like mag-hehello ito sa kanya.

"Kuya... May sore eyes..."
Sabi nya sa lalake at naglakad na naman papuntang isang stand.

"Bili ka na miss. Mura lang yan..."
Sabi ng lalake. Napapansin ko lang ha, andaming nagtitindang lalake dito.

Parang timang naman tong si Charm at hinawakan pa ang isda saka ininspeksyon.

After ilang saglit ay ibinaba nya ito.

"Hindi pala isda kailangan ko kuya. Sensya..."
Sabi nya at umalis na naman.

Sumunod naman ako sa kanya.

Kahit na diring-diri ako sa lugar na ito, naaamaze naman ako sa mga pinaggagawa nya.

Kung anong ginawa nya sa unang mga isda, ganun din ang ginawa nya.

Napangiti sya ng natapos sya sa ginagawa.

"Magkano isang kilo manong?"
Tanong nya sa matabang lalake na nakasimangot.

"170 isang kilo... "
Napapout naman si Fawn. Malaki naman ang binigay kong budget pero bakit pa sya ganyan kung makahingi ng discount?

"Kuya... Pwede 120 na lang?" Nakangiting tanong nya.
170 down to 120? Imposibleng ibigay nya yan.

"Hindi pwede. Sariwa ang mga yan... "
Supladong sabi nung lalake.

"Hay naku kuya. Ang gwapo gwapo mo pero nakasimangot ka. Sige ka mamalasin tinda mo. Smile ka kuya.. Smile!"
At hinawakan nya ang dulo ng labi nya at itinaas ng bahagya para ipakita sa lalake ang dapat nyang gawin.

Napailing ang lalake at hindi napigilang ngumiti.

"Ayan!" sabi nya na pumalakpak pa. "Sige kuya. Huling tawad, 130 na lang... "
Ayun yung motibo. Binilog pa ang ulo ng lalake.

"140 na lang miss. Last na... Kunin mo na..."
Nakangiting sabi ng lalake.

Nilagay ni Fawn and hintuturo nya sa baba nya na kunyare ay nag-iisip.

"Deal!"sabi nya. Natatawang ibinalot ng lalake ang isda at ibinigay sa kanya.

"Eto na po bayad! Salamat!!" sabi nya at nag bow pa. Napangiti ako sa tinuran nya. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng gaya nya.

"Sir... And swerte nyo sa misis nyo. Maganda na, masayahin pa..."
Sabi nung pinagbilhan nya ng isda.

Lumawak pa ang ngiti ko sa sinabi ng lalake. Di ko alam pero di ko matanggal. Tinanguan ko ang lalake at sinundan na ang babaeng yun.

Ano pa kaya ang matututunan ko sa kanya?

Why do I feel so comfy and a bit happy just by seeing her do her unusual-to-me things.

She's really something
---

Little Did He KnowWhere stories live. Discover now