Hindi parin ako maka-get over sa kata ni JB sa last chapter! Hahaha =)) Pogi talaga ni Marco Gumabao! FTW \m/ <3
Anywho, this is the next chapter!
Enjoyin niyo! Lels.
Kung hindi, tutusukin ko mga mata niyo. Joke.
---
@JB's POV
Sabi ni April, may pinagusapan raw sila ni Camille tungkol kahapon sa game namin. Ayaw niyang sabihin dahil Girl Thing daw. Pinabayaan ko nalang siya dahil baka niloloko lang niya ako. Kay Boom ko nalang sabihin para Boy Talk naman. Psh, panget.
"Oh, bro. Bakit mo ako pinatawag? Maglalaro nba tayo ng moro-moro?" Siraulo talaga tong si Boom.
"Ewan ko sayo. Binata kana, moro-moro parin ang bukang bibig mo?" Natawa siya sa sinabi ko. Loko-loko rin 'to. "Nililigawan mo na nga yata yung kapatid ko e. Tapos, ganyan parin ang asal mo? Nako, bro. Sakin palang bagsak kna."
"Joke lang, bro! Oh, game. Bakit mo ba ako pinatawag?" Tss, basta pinaguusapan si April tiklop kagad 'to.
"May sasabihin sana ako sayo, pero wag kang maingay."
"Sure. Ano ba yun?"
"Dba, dinala ko si Camille sa game namin sa Laguna? After nung game namin, ndi ko na siya maka-usap ng maayos. Parang may nagawa akong mali na ayaw niya? Pero, wala naman akong ginawang mali. Pero bakit, hindi niya na ako nakakausap ng maayos? Pero, tuwing nakikita ko siya sa classroom niya, ang daldal niya."
"Alam mo pare" Inakbayan niya ako. "Ganyan lang ang mga babae. Minsan moody. Hayaan mo, kakausapin ka niya balang araw."
"Kailan kaya yung balang araw na yun, Boom?"
"Nako, bro. Lakas na ng tama mo sa bestfriend ko ah?"
"Hindi ko nga alam kung ito na ba yung sinasabi nilang pag-ibig. Takte, ang bading."
"Pag-ibig na yan."
"WEH. Paano mo nalaman?"
"Sabi lang ng source ko."
"Siraulo."
"Malalaman mo rin naman yan, bro. Kasi ang pag-ibig, unexplainable yan. Magugulat ka nalang na, mahal mo na si Camille ng hindi mo alam. Parang ako sa kapatid mo, dati ayoko diyan dahil ang arte niyan. Pero naging highschool yan, nag-iba na yan. Although, mejo may pagka-maarte parin. Nalaman ko nung 3rd year, mahal ko na pala siya."
"Lalim bro ah. Pero, seryoso bro. Hindi ko alam kung inlove na ako. Tangina, bro. Ang bading!"
"Alam mo bro. kung sa paningin mo bading, sa mga babae hindi. Yun iba nga, dun pa natu-turn on e."
"Tss."
"Sige na bro. Mahigit isang oras na tayo dito. Ang paalam ko lang sa nanay ko, 30 minutes lang. Hahaha, sige bro. Ingat."
"Geh ikaw rin."
Umalis na si Boom. Samantalang ako, nandito parin nakaupo. Ang daming napasok sa isip ko. What if, pagibig na nga ito?Pero pano kapag hindi? Aish, tama nga ang sabi nung iba, ang pag-ibig raw ay nakaka-baliw.
Alis na nga ako dito. Ayokong mapag-isa, kung ano-ano kasing pumapasok sa isip ko. Nakaka-inis lang mag-isip. Tska, aayusin ko pa yung gamit ko bukas dahil may pasok pa kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/1072714-288-k188395.jpg)
BINABASA MO ANG
When I Saw Him Playing Basketball - [Complete.]
Teen FictionMeet Camille. Isang babaeng ndi iniisip ang pag-bo-boyfriend at ndi napapansin si JB. Simula nung nakita ni Camille na naglaro si JB ng Basketball, naiba na ang pagtingin niya. Tingin mo ba, ito'y kabaliwan lang? O ito'y totoo na?