[11] Oo, mahal ko na siya.

213 3 0
                                    

JB'S POV

"Camille!" At nasalo ko kagad siya.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko sakanya.

"Uh,O-oo. Thank you." Itinayo ko na siya at iniabot ko sknya yung raketa niya.

Pabalik na sana ako sa pwesto ko pero.. o_o

"Uh, A-ano. Ok na siya, pwede na tayong mag-proceed?" Paano naman kasi, mga nakapaligid sa court namin yung mga players pati mga audiences.

Bumalik na kami sa laro namin...

Pagkatapos naming mag-laro, nagpunas lang kami ng pawis namin at naglakad na kami papuntang canteen sa school ng Carlyle.

"Treat na kita, JB!" 

"Ha?"

"Ililibre kita, JB! Hindi makaintindi ng tagalog?"

"Alam ko yun! Ang ibig kong sabihin, anong meron kung bakit mo ako ililibre?"

"Wala lang! Para maiba naman! Kasi, ako nalang ang lagi mong nililibre, ako naman."

"Eto naman. Ok lang, wag na."

"Bakit ba ayaw mo?"

"Kasi, kailangan may valid reason."

"Hm.. ALAM KO NA!"

"Ano naman yun?''

"Yung sinalo mo ako kanina sa game!"

"Sus, nagisip talaga ng rason."

"Oh bakit! Valid naman yun ah!"

"Oo na, sige na."

"Ayos!"

After ng laro namin sa Carlylre, umuwi narin kami. Kasi, tig-iisang game lang naman sa isang group e dahil warm-up lang naman daw yun. 

Naglakad kami ni Camille pauwi. 

"JB, salamat pala ulit kanina."

"Wala yun, basta kasi sa susunod, transfer your weight sa braso papuntang kamay papunta sa shuttle cock, hindi sa kawalan."

"Oo na boss. Sige na ho. Ingat ka."

"Sige ikaw rin!"

Dumating ako sa bahay, kumain ng hapunan, naligo at natulog na. Dahil nakakapagod tong araw na 'to. Two games in a day. 

--

..KINABUKASAN...

--

CAMILLE'S POV

Maaga akong pumasok sa school ngayon dahil may tatapusin akong homework sa English, nakalimutan ko kasing ipasa kahapon e. 

*boogsh*

o_o

"Ano  ba yan! Hindi naman kasi tinitignan yung daanan eh!" Sabay pagpag niya ng uniform niya. Taray naman neto! Sino bang nauna?! 

"Hindi ka manlang magsasabi ng sorry, ha?!" Tae, ako pa ngayon?

Tinalikuran ko na nga lang siya pero

"Ugh." Nakakainis! Hinila ako! 

"TIGILAN MO AKO!!" Pinagsasabunot ako! 

When I Saw Him Playing Basketball - [Complete.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon