@Camille's POV
Dalawang araw simula nung sinabi ni JB na tinext ko raw siya. Paano nalaman ni JB number ko? Ni-hindi ko nga hinihingi number niya e. Psh.
"JB, Paanong nangyaring nagtext ako sayo?" Pangungulit ko sknya. Ilang beses ko na siyang tinatanong pero...
"Hindi ko nga alam, sabi ko sayo, tanungin mo phone mo. Weird nga talaga yang phone mo, weird din may ari e." Yan lagi niyang sagot, BV.
"Psh. Ewan ko sayo. Basta ako, hindi kita tinext last 2 days."
"Paanong hindi, eh nagpakilala ka nga e."
Naglalakad na kami papuntang bulletin board para dun sa schedule ng game namin sa Badminton. Oo, varsity kami pareho. Pero, yung Volleyball, matagal ng tapos samin. Yung Basketball, may isang home tournament pa kung saan ako ang magbibigay ng tubig! tapos, District tapos, tapos na. Yung Badmiton magsisimula palang sa Sabado.
"Sus, pakita mo nga sakin lahat ng tinext ko sayo kuno!"
Kinikuha niya yung phone na sa bulsa niya at binigay sakin..
Wow, sosyal! Android!
Sinearch ko yung message ko raw sa phone niya, pagpunta ko sa inbox...
Tae, meron nga.
JB, si April umuwi na. Sabi niya itext nalang raw kita dahil wala daw siyang load.
Abangan mo nalang raw siya sa gate. Thanks!
Nagulat naman ako sa kasunod..
Ay shocks! Si Camille pala 'to.
Pasensya kna, nkalimutan kong lagyan ng name.
Shocks? Dba, english yun ng gulat? Hindi ako nagsasabi ng Shocks. (-_-)
"JB, Hindi ako 'to." Tapos, binigay ko sknya phone niya.
"May Camille sa text, imposibleng hindi ikaw 'to. Tska, ang pagkakatanda ko, hindi sumabay samin si April dahil sainyo siya pupunta. So, may chance na ikaw talaga ang ng-text sakin."
Oo nga, si April nga ay nasa amin. Per--
Ohh, Alam ko na kung sino.
"Hindi ako nag-text niyan." Seryosong sabi ko habang nagsusulat ng schedule for Badminton Game.
"Kulit mo naman e! May pang--"
"Si April." Napatingin sakin si JB na halatang nagulat.
"Sabi ko na nga ba!" Nagulat naman ako sa sigaw ni JB.
"Ha?"
"Kasi, dba sabi dun sa text mo..." Sabay pakita sakin nung text ko raw, at binasa ko naman.
"Walang load?" Nasabi ko nalang.
"So, gets mo na?" Sabay balik sa bulsa nung phone niya.
"Y-yeah."
Itinago ko na yung kopya ko ng schedule.
"So gets mo na rin na hindi ako ang nagtext sayo?" Pagbalik ko ng tanong sknya.
"So, kailangan ibalik sakin yung tanong?" Saabay tago rin ng kanyang kopya.
"So, kailangan yun ang tanungin sakin?" Pambabara ko sknya.
BINABASA MO ANG
When I Saw Him Playing Basketball - [Complete.]
Teen FictionMeet Camille. Isang babaeng ndi iniisip ang pag-bo-boyfriend at ndi napapansin si JB. Simula nung nakita ni Camille na naglaro si JB ng Basketball, naiba na ang pagtingin niya. Tingin mo ba, ito'y kabaliwan lang? O ito'y totoo na?