[14] Hindi ko pa sigurado

192 3 0
                                    

Halu-halu. :D

Enjoy readiiiiing! Last 1 chapter plus Epilogue! ♥

------------

Camille's POV

Matapos ang Prom namin, back to normal na naman kami. 

Pero, hindi talaga ako makapaniwala sa ginawa ko nung Prom. 

Pucha, ako pa talaga ung sumandal kay JB?! Natutukan pa kami ng spotlight! 

Malaking kahihiyan ito! 

At alam niyo ba kung sino ang Prom King and Queen ng school?  

Putek, edi kami!! 

Dahil lang dun sa sayaw ek-ek nanalo na kami! 

Hay nako. Alam niyo bang hindi mkapaniwala si Ate? 

Si ate mas maganda talaga sakin un pero never nakakuha ng Prom Queen un nung Highschool. 

Hay nako, tama na. Papasok pko.

Umalis na ako ng bahay namin at sumakay ng tricycle.

Tinatamad kasi ako maglakad ngayon e :3 

*school*

"Diba, siya yung Prom Queen?''

''Oo, siya yun. Ang ganda talaga niya, ang simple."

"Oo nga e. Buti nalang nag-iba na ang Prom Queen."

"Oo nga e. Hay nako, tara na nga. Mahuli pa tayo.''

Grabe, umagang-umaga, chismisan na kagad? 

Pero, infairness, hindi insulto ang sinabe. Puro compliments. Mehehehehe =)))

"Camille!"

"AY PALAKA. O, ikaw pala JB."

Pucha, bakit ganito naramdaman ko bigla? Bigla akong sumaya nung tumingin ako sa mata ni JB? 

Punyemas.

"Free kaba ng lunch?"

Nag-isip akong mabuti, kasi kasali ako sa Project Y remember? Eh tuwing lunchbreak ang meeting namin.

"Kung ang iniisip mo yung sa Yearbook, don't worry, Monday lang ngayon. TWF naman ang 4th year diba?"

"Ay, oo nga pala. Sige, ok lang."

"Sige, treat ko. Kita nalang tayo mamaya"

"Sige."

WAAAAAH. >3< 

Kiniki-OA mo Camille. Niyaya ka lang mag-lunch ganyan kna? Eh dati-rati ka na naman niyang niyaya. Hindi ka paba nasanay?

Sabi ko nga e ._.

Pumasok na ako ng classrom at kumopya ng notes.

"Hello, Prom Queen!" Potek 'tong si Andrew! Lagi nalang akong inaasar na Prom Queen!

"Tigilan mo nga ako Andrew! Tapos na ang Prom, kaya tama na ok?" Nagsulat nalang ulit ako.

"Eh bakit ba? E sa gusto kong tawagin kang Prom Queen e. Masama ba?" Binagsak ko ung ballpen ko, at humarap skniya.

"OO! MASAMA KASI NAKAKA-BWISET NA! PWEDE BANG TANTANAN MO NA AKO?!" 

"Ms. Ramirez and Mr. Perez, get out on my room NOW!" What the heck?!

When I Saw Him Playing Basketball - [Complete.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon