"Letrang I.K.A.W"
Tinanong sa sarili
San nga ba tayo nagsimula
Teka ako'y mali
Wala nga palang TAYOng simulaNgayon ating pag-usapan
Pano tayo magtatapos
Ngunit mali parin
Matagal na pala TAYOng taposPusong naghihikaos
Sumisigaw kahit paos
Pusong kong nangungulila
Hanap pagmamahal mong dakilaSa lahat ng tao
Bakit Ikaw ang gusto
Bakit Parang buhay ko'y buo
Pati puso'y lumambot na dati ay batoOo, IKAW, ikaw ang may gawa
Tingnan mo ako ngayon, lugmok, nagluluksa
Bakit nga ba may IKAW na hindi pwedeng maging TAYO
at may isang AKO na umaasang magigising sa totooNa ang lahat ng ito ay biro lamang
Parang isang pelikulang walang Ikaw at ang bida ay kulangSige aayusin ko, pero itatanong muna sayo
"Tunay nga bang ako'y minahal mo?" O "Hinayaan mo lang akong mahulog sayo?"
Oo, nahulog, nahulog ng buo
Ako'y natulog, natulog ng ikaw ang sa isip ko
Pero bakit ganito? Pakiramdam ko'y may mali
Kasi, ako lang pala ang nagmahal at nanatiliHaha, nakakatawa. Nakakatawang umasa sa bagay na wala naman talaga
Kasiguraduhan? Teka san nanggaling yan? Walang kasiguraduhan, puso ko'y malulunod na ng tuluyan.Letrang I
Para sa Ikasasaya mo
Letrang K
Para sa Kalayaan ng puso ko
Letang A
Para sa Assurance na wala ng talagang Tayo
At letrang W
Para sa Walang sawang pag-ibig ko para SAYO.
BINABASA MO ANG
Sneakers And Piercings (SPOKEN WORDS POETRY AND COVER MAKING)
RandomLike my facebook page named Sneakers And Piercings. This was the Poetry's that I maid! stay tuned on my page for more hugot and emotional Spoken Words Poetry Started:May 04, 2017