Spoken Words Poetry by : SneakersAndPiercings

9 2 0
                                    

"Dating pagtingin"

Tinatanaw kita noon sa malayo
Simpleng ngiti mo, mundo'y nagbabago
Nakakaramdam na ng pagbabago
Siguro ako ay nahulog na sayo

Sinubukan ko lahat ng paraan para lang mapalapit sayo
Nagiiwan ng sulat at regalo sa locker mo
Minsan pa nga tatawagin ka tapos ako'y magtatago
Nahulog na ako, nahulog na siguro

Hanggang dumating ang araw, naging magkaibigan tayo
Turing mo sakin parang kapatid, kasi masakit para sakin 'to
Nagmahal, tinago ngayon umaasa ako
Kasalanan mo 'to eh, ayan tuloy nahulog na ako

Isang araw, nakita kita mula sa malayo
Kayakap mo siya at mukhang si ang iyong kalaguyo
Umiyak, tumakbo, nagtago
Siguro ito na ang oras,para ako na'y lumayo

Lumayo, lumaya, nakalimutan ka na
Masaya na ako, ikaw kuntento na sa kanya
Minsan sumasagi sa isip mga alaala ng kahapon
Pero ito na'y mananatiling nakabaon

Malaya na ako sa mundong ako mismo ang gumawa
Mundong puno ng saya at ikaw lang ang nakikita
Matututo ng unahin ang sarili
Kalungkutan ng kahapon, akin ng nawaksi.

VOTE

COMMENT

SHARE!

Sneakers And Piercings (SPOKEN WORDS POETRY AND COVER MAKING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon