Spoken Words Poetry by : SneakersAndPiercings

14 1 0
                                    

"Andito naman ako eh"

Andito naman ako eh, di mo ba dama?
Sa tuwing malungkot ka, ako'y nagpapatawa
Bibiruin ka na mahal kita, pero ika'y tatawa
Nagmamahal ka ng iba, samantalang ako naghihintay ng pag-asa

Pag-asang malabong maging tayo
Kasi, oo nga pala, may iba kang gusto
Minsan pa nga ako'y naging tulay niyo
Third Wheel sa relasyon niyong binuo

Minsan naisip ko, pano kaya kung inamin ko?
Pano kaya kung naging seryoso?
Pano kaya kung nagpakatotoo?
May pag-asa kayang maging tayo?

Gigising sa umaga, litrato mo sa hawak
Ikaw ang sa isip sa bawat yapak
Papasok sa eskwela mukha mo kaagad ang hanap
Kasi, ikaw ang energizer sa mundo kong mahirap

Mahirap kasi hindi ka mayakap
Mayakap ng mahigpit at malaya
Malayang mahalin ka kahit mahirap
Kasi, uulitin ko, sa iba ka masaya

Tatawa sa bawat jokes mo na napakacorny
Makikinig sa kwento niyo ni Mandy
Si Mandy, yung nanliligaw sayo ngayon?
Yung nambugbog sakin dahil sa selos satin noon.

Vote

Comment

Share!

Sneakers And Piercings (SPOKEN WORDS POETRY AND COVER MAKING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon