Spoken Words Poetry by : SneakersAndPiercings

41 1 0
                                    

"Pananatili"

Sinubukang pawiin
Ngunit mahirap gawin
Pinilit bawiin
Pero nagdesisyon na ang hangin

Kumpas ng mahika
Ako'y nadadala
Bawat oras na kasama
Parang bang puso'y nakakulong na

Wala man tayong simula
Siguradong may katapusan
Wag na nating ikaila
Sakit na nararamdaman

Teka, parang may mali
Kasi ako lang pala ang nasasaktan
Sinusubukan manatili
Pag-ibig ma'y may hangganan

Lilipad sana, bali naman ang pakpak
Parang tatag ko'y sinubok.
Susubukang lumangoy, wala namang dagat
Papatunayan pag-ibig ko'y tapat

Sinta, pinili kong manatili
Kahit sarili ko sayo'y itali
Kasi alam ko kung bakit
At ikaw lang ang nais

Wag kang magtaka,
Na ako'y nandito
Para lang namam sayo
Itong aking puso.

Sneakers And Piercings (SPOKEN WORDS POETRY AND COVER MAKING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon