Spoken Words Poetry by : SneakersAndPiercings

11 0 0
                                    

"Hanggang kailan"

Lilipas din ang araw,
Dadaan din ang taon
Makakalimutan na daw,
Lungkot ang pabaon

Di na maghihintay,
Di na magtitiis
Mag-isa ng mabubuhay,
Kasiyahan lang ang nais

Ayoko ng umiyak
Pagod na ang mata
Kamay mo'y di na hawak
Ayoko ng maging tanga

Ngunit hanggang kailan?
Di na ba ako makakabangon
Hindi na kita mahahagkan,
Buhay ko'y sa iba itutuon

Pa'no nga ba magmahal?
Kailangan bang may luha
Bakit hindi nagtatagal?
Kailan ba mauuwi sa tuwa

Mahalin muna ang sarili
Bago unahin ang iba
Hindi na ulit pipili
Makuntento na sana sa isa

Mahilig akong magkumpara
Pero ikaw, iba ka
Iba ka sa kanila
Ikaw lang sakin ang nagpapasaya

Ngayong wala ka na
Makakangiti pa ba?
Ngayong umalis ka na
Magmamahal pa ba?

Sana,bukas paggising ko
Iba na ang nasa isip
Tapos na ang pangako
Sa hinaharap hindi na sisilip.

Sneakers And Piercings (SPOKEN WORDS POETRY AND COVER MAKING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon