Spoken Words Poetry by : SneakersAndPiercings

12 1 0
                                    

"Kontrabida ako"

Galit silang lahat,
Ayaw nila sa'kin
Isa raw akong kalat
Masama palagi ang tingin

Minsan rin akong naging bida
Kaso, hindi naging maganda ending ng storya
Naging sawi din ako, kagaya ng iba
Tumapang nga lang, at naghiganti na

Noon, itinuring akong basura
Hindi ako kasing palad mo
Pinagtulakan din ako kagaya ng iba
Magandang buhay di ko natamo

Madaling sabihin na maldita ako
Pero alam ma ba kung anong pinagdaanan ko?
Minsan na akong lumigaya, pinaasa kagaya mo
Natuto lang akong lumaban at mahalin ang sarili ko

Alam mo ba ang papel ko?
Yun ay ang maghiganti at kunin kung anong nararapat sa'kin
Sinaktin din naman ako,
Kaya ngayon, andito ako para sa hustisya hindi para takutin

Sawa na kasi ako sa buhay na laging talunan
Gusto ko ng lumaya, gusto ko ng sumaya
Kontrabida man ang hantungan
Paniningil ang aking ikasasaya

Ngayon, mararamdaman mo ang sakit na dinanas ko noon
Tandaan, hindi kumpleto ang storya kung walang kontrabida
Lungkot, sakit at pagkabigo na naipon
Lalaya na, lalaban na at sasaya na, yan ang trabaho ng isang kontrabida.

Sneakers And Piercings (SPOKEN WORDS POETRY AND COVER MAKING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon