Spoken Words Poetry by : SneakersAndPiercings

10 1 0
                                    

"Itinago, nalaman, lumayo"

Matagal na akong takot
Takot sa kadiliman
Pag-ibig ang bumalot
Ipaparamdam kanino man

Mahirap magmahal
Lalo na kung ikaw lang ang umiibig
Lalong nakakasakal
'Sing labo ng tinta sa tubig

Minsan ko ng inamin
Minsan ng nagmahal
Walang tumaggap sakin
Puro na lang bawal

Siguro ngayon, itatago ko muna
Pagtingin para sayo
Minamahal kita sinta
Sana pagkakaibigan ay di mabago

Pero di inaasahan
Nabuking na ako
Iyo ng nalaman
At tuluyan ka ng lumayo

Ito ang kinatatakutan ko
Ang magtapat at lalayuan
Ito ba ang parusa ko?
Laman ng aking puso, ikaw Lng ang laman.

Sneakers And Piercings (SPOKEN WORDS POETRY AND COVER MAKING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon