Spoken Words Poetry by : SneakersAndPiercings

7 0 0
                                    

"Anong tipo mo?"

Hi crush!
Ang cute mo ngayon araw,
Pagnakikita kita, lagi akong nagbablush!
Ngiti mong nakakatunaw

Alam ko, unang araw palang type na kita eh
Sa kisig mo ba naman at lakas ng dating
Pero matanong ko lang ano bang tipo mo
Sa puso mo ba, may pag-asa ako?

Di na ako magtataka kung sayo may kaagaw ako
Ang charming mo kasi lahat naakit mo!
Sana, balang araw mapansin mo ako
Kahit isang ngiti lang, solve na 'to

Gustuhin ko mang kausapin ka, hindi pwede
May girlfriend ka pala, hindi ko alam eh
Pa-fall ka kasi kaya nasasaktan kami
Bakit kasi siya pa nagustuhan mo sa dinami-dami?

Maganda naman ako ah? Kulang pa ba
Ano bang tipo mo? Nakakalito ka na
Crush mo rin ba ako?
Kung oo, umamin ka na habang maaga

Pero alam mo kung anong mas nakakatuwa sa'yo?
Yun ay yung dahil sayo naging inspired ako
Ng dahil sayo, gusto kong mag-aral ng mabuti
Para pagdating sa future natin, at sa anak na madami

Alam kong nagmumukha na akong desperada
Pero kasi, 'di ko mapigilan! Nakakagigil ka!
Basta kahit anong mangyari andito lang ako
Kahit di mo dama existence ko, andito pa rin ako, susuporta sayo.

Sneakers And Piercings (SPOKEN WORDS POETRY AND COVER MAKING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon