Spoken Words Poetry by : SneakersAndPiercings

92 2 0
                                    

"Letrang I.K.A.W"


Tinanong sa sarili
San nga ba tayo nagsimula
Teka ako'y mali
Wala nga palang TAYOng simula

Ngayon ating pag-usapan
Pano tayo magtatapos
Ngunit mali parin
Matagal na pala TAYOng tapos

Pusong naghihikaos
Sumisigaw kahit paos
Pusong kong nangungulila
Hanap pagmamahal mong dakila

Sa lahat ng tao
Bakit Ikaw ang gusto
Bakit Parang buhay ko'y buo
Pati puso'y lumambot na dati ay bato

Oo, IKAW, ikaw ang may gawa
Tingnan mo ako ngayon, lugmok, nagluluksa
Bakit nga ba may IKAW na hindi pwedeng maging TAYO
at may isang AKO na umaasang magigising sa totoo

Na ang lahat ng ito ay biro lamang
Parang isang pelikulang walang Ikaw at ang bida ay kulang

Sige aayusin ko, pero itatanong muna sayo
"Tunay nga bang ako'y minahal mo?" O "Hinayaan mo lang akong mahulog sayo?"
Oo, nahulog, nahulog ng buo
Ako'y natulog, natulog ng ikaw ang sa isip ko
Pero bakit ganito? Pakiramdam ko'y may mali
Kasi, ako lang pala ang nagmahal at nanatili

Haha, nakakatawa. Nakakatawang umasa sa bagay na wala naman talaga
Kasiguraduhan? Teka san nanggaling yan? Walang kasiguraduhan, puso ko'y malulunod na ng tuluyan.

Letrang I
Para sa Ikasasaya mo
Letrang K
Para sa Kalayaan ng puso ko
Letang A
Para sa Assurance na wala ng talagang Tayo
At letrang W
Para sa Walang sawang pag-ibig ko para SAYO.

Sneakers And Piercings (SPOKEN WORDS POETRY AND COVER MAKING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon