Spoken Words Poetry by : SneakersAndPiercings

8 0 0
                                    

"Sana"

(Tugon sa tulang "Anong tipo mo")


Simple ka lang,
Palangiti, mabungisngis at maganda
Sa hagdan nagaabang
Kung kelan ka bababa

Sa unang araw,
Napansin na kita
Napansin kong ika'y medyo matakaw
Pero napansin ko yung nakakatuwa

Gusto sana kitang kausapin
Kaso pag lalapit ako, lumalayo ka
Sa umaga, gusto sana kitang batiin
Kaso sadyang tuso ang tadhana

Nakita kita, tinitingnan mo kami ng kapatid ko
Naramdaman kong lumungkot ka
Ano bang iniisip mo?
Akala mo ba, karelasyon ko siya?

By the way, idol na kita
Maganda na, matalino pa
Nakakatuwa yung dedikasyon mo
Maswerte magiging asawa mo

Bonus na lang siguro kung ako
Kasi sa puso ko sayo walang tatalo
Sana magkaroon ng pagkakaton na magkausap tayo
O dumating sa punto, na may pag-asang maging tayo.

Sneakers And Piercings (SPOKEN WORDS POETRY AND COVER MAKING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon