Pasensya Ka Na
Hello magandang umaga, Mahal!
Kamusta ka na sa'yong bagong mahal?
Masaya ka na ba? Napapasaya ka ba niya?
Pasensya na kung hindi kita pinaglaban, mahal ha?
Pasensya na dahil kahit gusto kitang mabalikan ay hindi ko magawa.Kasi alam kong masaya ka sa piling niya
Kasi alam kong kahit subukin kong tapatan ang kung anong meron siya na wala ako ay hindi ko magawa
Kasi alam kong mahal mo siya, kaya mahal, pasensya ka na.Pasensya ka na mahal kung hindi ako kasing sexy, ganda, mapag alaga at mabait tulad niya.
Pasensya na kung hindi ako naging perpekto sa paningin mo.
Pasensya na mahal kasi hindi ko napunan lahat ng pagkukulang ko.
Pasensya ka na mahal kung hindi ko kayang maging katulad niya.Sabi nga nila, "Lilipas din 'yan."
Oo. Lumipas na ang panahon.
Matatag ang relasyon ninyo, nakabangon ka na sa iyong pagkakahulog.
Pero bakit eto ako? Bakit hulog na hulog parin ako?
Pasensya ka na, mahal ha?
Dahil mukhang nahihirapan akong makabangon mula sa pagkahulog ko.Pasensya na kung minsan nakikita mo akong sumusulyap parin sayo
Pasensya ka na kung minsan ay nahuhuli mo akong iniistalk ang Facebook mo
Pasensya ka na kung hindi ko malimut-limutan ang isang tulad mo.
Pasensya ka na kung ikaw parin ang tinitibok ng puso ko.
Pasensya ka na. Pero mahal parin kita.Wakas
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Hindi Tula! (With Special Spoken Poetries)
PoetryMga Tulang Hindi Tula! (Tula ito, maniwala ka!) Compilation of Poems and Spoken Words. :)