Lait

79 1 0
                                    

"Ang panget ng boses mo"
"Ang baduy ng pormahan mo"
Puro panlalait ang naririnig ko sayo
Oo ikaw na nakaraang kaklase ko

Alam ng lahat na masakit kang magsalita
Ngunit hinay-inay lang baka ika'y nakakasakit na
Ayaw lang  nila umamin pero nasasaktan na sila
Kabilang na ako, ako na nilait mo

Alam kong boses ko'y di kagandahan
Hindi man ako kagaling kumanta tulad ng iyong inaasahan
Ngunit isipin mo muna kung tayo'y magkaibigan
O diba, wala naman tayong pinagsamahan

Tanggap ko sa aking sarili
Kaya hindi mo na kailangan pang sabihin
Ang simpleng panlalait na sinabi mo
Ay tatatak sa isipan ko

Hindi ko masisisi ang aking sarili
Ganito ako lumaki, bakit ko pa babaguhin?
Hindi ako isinilang sa mundo upang malunod sa panglalait mo
Kaya please lang, 'wag ako

Mga Tulang Hindi Tula! (With Special Spoken Poetries)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon